Next time maghahagis na ng panty si Tracy!
September 8, 2004 | 12:00am
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang napaka-kontrobersyal na Extreme fashion show na pinrodyus nina Tracy Torres at Rose Valencia sa Klownz Araneta.
Balitang pinagpapaliwanag ang management ng nasabing lugar kung bakit nila pinayagan ang naturang palabas na sa sobrang successful ay nakatakdang magkaron ng repeat sa Metro Bar sa Nobyembre pero, biglang na-hold ito.
Pinararatangan nga si Tracy na pinagbabawalan ng kung sino dahil ni hindi man lamang ito nagpasilip ng katawan sa naturang show.
"Producer ako ng show kaya bakit pa ako makikipagtalbugan sa mga models namin ni Rose? Next time, maghahagis na ako ng panty, para hindi sila mabitin," pangako niya.
Darating ngayong araw na ito si Giselle Toengi para sa isang serye ng promo shows para sa ini-endorso niyang Freeway clothes. Dalawang taon na siyang modelo nito. Di lamang mga outlets sa Metro Manila siya bibisita, aabot pa siya hanggang Iloilo sa Bisaya at Cagayan de Oro sa Mindanao. May mga billboards na siya at print ads ng Freeway clothes na nakikita sa Kamaynilaan.
Magsisimula na rin siya ng shooting ng Enteng Kabisote para sa Octo Arts/MZet Productions kasama sina Vic Sotto at Kristine Hermosa para sa Metro Manila Film Festival.
Gumawa ng breakthrough si Giselle sa Hollywood nang makuha siyang lead sa stage musical na The Days When Cocaine Was King. Napapanood ito apat na beses isang linggo sa American Renegade Theater sa North Hollywood, California. Tungkol ito sa buhay ng isang tumatanda nang rock and roll band na may pangalang The Larrys. Isang nakatutuwang musical journey ito sa mga taong late 70s. Ginagampanan ni Giselle ang role ni Juanita, isang Latina salsa dancer with a heart of gold.
Matatandaan na umalis ng bansa si Giselle nung taong 2000 para pumunta ng US para hanapin ang kanyang kapalaran. Shes represented there by Don Buchwald & Associates, Inc. at Avie Cabral-Menagerie Ent. Dito sa Pilipinas, hinahawakan siya ng Genesis.
May mga magagandang pelikula na ipinalalabas ngayon sa Cinema 6 ng SM Megamall. Bahagi ito ng selebrasyon ng Cine Europa na nagpapalabas ng mga pelikula ng ilang European countries.
Sa Sabado, Set. 11, 12:00 NT, magkakaron ng isang Free Film Lecture na magtatampok kay Nick Deocampo na magsasalita tungkol sa Europe and Pre-Hollywood Philippines: A Survey Of Early Cinema.
Nag-aral ng filmmaking si Deocampo sa Paris, France. Nanalo ito ng ilang awards sa Belgium at Switzerland para sa kanyang mga dokumentaryo at short films. Naging hurado na siya sa Bilbao, (Spain), Oberhausen (Germany), Rotterdam (The Netherlands) at Berlin (Germany). Kamakailan ay nanalo siya ng National Book Award para sa kanyang librong Cine: Spanish Influence On Early Cinema In The Philippines.
Ang seminar ay highly educational para sa mga mag-aaral at mga guro sa Film O MassCom at sa mga academics, film buffs at mga simpleng manonood ng pelikula. Magkakaron ng book signing ng libro ni Deocampo sa ika-11:00 NU sa lobby ng Cinema 6 bago magsimula ang lecture.
Ang Cine Europa ay sponsored ng European Union sa pakikipagtulungan ng SM Cinemas, Podium at Mowelfund Film Institute.
Maaaring tumawag sa SM Cinema 6 o mag-email sa nad@pacific. net.ph o mag-fax sa 7272033.
Balitang pinagpapaliwanag ang management ng nasabing lugar kung bakit nila pinayagan ang naturang palabas na sa sobrang successful ay nakatakdang magkaron ng repeat sa Metro Bar sa Nobyembre pero, biglang na-hold ito.
Pinararatangan nga si Tracy na pinagbabawalan ng kung sino dahil ni hindi man lamang ito nagpasilip ng katawan sa naturang show.
"Producer ako ng show kaya bakit pa ako makikipagtalbugan sa mga models namin ni Rose? Next time, maghahagis na ako ng panty, para hindi sila mabitin," pangako niya.
Magsisimula na rin siya ng shooting ng Enteng Kabisote para sa Octo Arts/MZet Productions kasama sina Vic Sotto at Kristine Hermosa para sa Metro Manila Film Festival.
Gumawa ng breakthrough si Giselle sa Hollywood nang makuha siyang lead sa stage musical na The Days When Cocaine Was King. Napapanood ito apat na beses isang linggo sa American Renegade Theater sa North Hollywood, California. Tungkol ito sa buhay ng isang tumatanda nang rock and roll band na may pangalang The Larrys. Isang nakatutuwang musical journey ito sa mga taong late 70s. Ginagampanan ni Giselle ang role ni Juanita, isang Latina salsa dancer with a heart of gold.
Matatandaan na umalis ng bansa si Giselle nung taong 2000 para pumunta ng US para hanapin ang kanyang kapalaran. Shes represented there by Don Buchwald & Associates, Inc. at Avie Cabral-Menagerie Ent. Dito sa Pilipinas, hinahawakan siya ng Genesis.
Sa Sabado, Set. 11, 12:00 NT, magkakaron ng isang Free Film Lecture na magtatampok kay Nick Deocampo na magsasalita tungkol sa Europe and Pre-Hollywood Philippines: A Survey Of Early Cinema.
Nag-aral ng filmmaking si Deocampo sa Paris, France. Nanalo ito ng ilang awards sa Belgium at Switzerland para sa kanyang mga dokumentaryo at short films. Naging hurado na siya sa Bilbao, (Spain), Oberhausen (Germany), Rotterdam (The Netherlands) at Berlin (Germany). Kamakailan ay nanalo siya ng National Book Award para sa kanyang librong Cine: Spanish Influence On Early Cinema In The Philippines.
Ang seminar ay highly educational para sa mga mag-aaral at mga guro sa Film O MassCom at sa mga academics, film buffs at mga simpleng manonood ng pelikula. Magkakaron ng book signing ng libro ni Deocampo sa ika-11:00 NU sa lobby ng Cinema 6 bago magsimula ang lecture.
Ang Cine Europa ay sponsored ng European Union sa pakikipagtulungan ng SM Cinemas, Podium at Mowelfund Film Institute.
Maaaring tumawag sa SM Cinema 6 o mag-email sa nad@pacific. net.ph o mag-fax sa 7272033.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended