Sex Bomb, palaban sa mga manyak

Sa sobrang lakas ng appeal ng grupong Sex Bomb, may mga kalalakihang hindi mapigilan ang sariling humanga, lalo na sa kurba ng mga katawan nito. Kaso nga lang, may ilang lalaking nakakalimot sa sarili at sinasapian ng masamang espiritu at kung anong uring bagay ang nagagawa dala ng paghanga. Hindi nga ba minsan, isang lalaki ang pinitsirahan dahil nakalimot sa sarili, kung anong parte ng katawan ng isang member ng Sex Bomb ang hinipo at humantong tuloy ito sa pagsusumbong sa pulisya. Naganap ito sa taping at yung lalaki palang nanghipo ay matagal nang iniidolo ang isang member ng Sex Bomb at nang makita ng personal, hinipo niya ang bawat parteng magustuhan bagay na naging dahilan para matulig siya ng mag-asawang sampal. Minsan nga, may nambastos na lasing at nagulat at natakot nang pitsarahan ng grupo rin.

Mabuti nga hindi taong bayan ang bumugbog sa kanya sa ginawa niyang kalapastanganan. Pinag-iingat nga sila ng manager na si Joy Cancio lalo’t may mga lalaking malilikot ang kamay. Madali naman daw itong malaman dahil tipong maligalig yung lalaki, amoy alak o drugs kaya. Abusado sa pakikipag-usap, maging sa pakikipagkamay. Kapag ganun ang senyales, dapat lang daw layuan na. Pwede ring humingi ng suporta sa kasama. Iwasan din ang pagsusuot ng very daring na damit. Iwasan daw na mapatulad sa isang bold star na hinipuan din nang minsang mag-show sa probinsya.

Anyway, sari-saring istorya ang ipinakikita ng Sex Bomb sa Daisy Siete. Bisita naman ng grupo ang singer at may commercial model na si JayR. Tiyak kikiligin na naman ang mga tagahanga sa bago nilang bisita sa programang Daisy Siete. At tiyak pag-uusapan na naman ang katarayan ng pamosong actress noon ng Sampaguita Picture na si Bella Flores. Humahanga nga kami kay Tita Bella, wala siyang kupas sa pag-arte. At batang-bata pa ring tingnan, siguro may sekreto siya sa bagay na ito.

Samantala, balita naming may kursunada si JayR sa Sex Bomb, sino kaya yun?

VIR GONZALES

Show comments