^

PSN Showbiz

Bf ni Lara Fabregas, nakaalis na ng 'Pinas

- Nitz Miralles -
Pag-amin sa relasyon nila ni Gerald Madrid ang dating sa viewers ng The Buzz na nakapanood nang ipahayag ni Alma Moreno na nasa sentro na ng puso niya ang actor. Hopefully, wala nang mangungulit sa actress at kay Gerald na rin kung mag-ano sila. Wala na ring magugulat kapag nakita silang magkasama sa mga lakad at kapag nanonood ng show sa The Library at sa Ratsky Malate at kumakain sa Yakitori Japanese Restaurant sa The Bay sa Roxas Boulevard.

Siyanga pala, nagulat daw ang mga taga-S-Files nang lumabas sa katapat na The Buzz si Alma last Sunday. Akala yata ng S-Files, dahil naningil ng P30,000 talent fee sa kanila ang actress ay exclusive nila itong mai-interview.
* * *
Mahigit isang linggo na palang nasa bansa si Lara Fabregas. Hindi napansin ang pagdating nila ng kanyang Scottish boyfriend dahil dumeretso sila sa Boracay. Hindi rin nagtagal dito ang bf ni Lara’t after one week ay bumalik na ito sa London kung saan ito nagtatrabahong international investment banker.

Naiwan dito si Lara na sa October pa babalik sa London. Habang nandito’y lalabas siya sa isang stage play ng Actors Actor at open din sa mga TV guesting.

By now, nabasa na rin siguro ni Lara ang nai-fax na bio-data sa office ng manager niyang si Bibsy Carballo. Nagpapatulong na makapasok ng trabaho sa pinapasukang restaurant sa London ang very enterprising na nagpadala ng biodata. Sabi ni Alex Brosas, four pages ang na-received niyang bio data na nang tumawag sa office nila’t hingin ang kanilang fax number ay akala niya’y kung anong importanteng papers ang ipapadala.
* * *
Kinagalitan ng production staff ng Ikaw Sa Puso Ko si Nadine Samonte dahil late na nag-report sa shooting ng drama series nila ni Oyo Boy Sotto noong August 31. Galing si Nadine sa final audition ng Darna, kung saan isa siya sa mga pinabalik para muling mag-audition. Flattered si Nadine sa mataas na rating na ibinigay sa kanya ni Direk Joel Lamangan considering na bago lang siya sa showbiz.

Sa Cinema Concept sa Sta. Lucia East sa may Cainta ginawa ang audition ng Darna at sa may Commonwealth, Quezon City naman yata ang taping ng ISPK, kaya mai- imagine ninyo ang trapik na sinuong ni Nadine papunta sa audition at taping ng afternoon drama series nila ni Oyo.

Siyanga pala, ipinagtanggol ng isang follower ni Nadine ang isyung hindi ito bagay mag-portray ng Darna dahil bata pa (she’s 16 years old). Si Vilma Santos daw ay 17 years old nang gawin ang Darna.

vuukle comment

ACTORS ACTOR

ALEX BROSAS

ALMA MORENO

BIBSY CARBALLO

DARNA

GERALD MADRID

IKAW SA PUSO KO

LARA

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with