Ipalalabas naman ito sa UMEA International Film Festival sa Sweden sa Setyembre 16-22 na susundan ng screenings sa Filmfest Hamburg sa Germany sa Set. 23-30.
Ang Birhen na sinulat ni Racquel Villavicencio ay nagpapakita ng mga pagbabago na nagaganap sa buhay ng tao sa isang maliit na isla na dulot ng pagdating ng isang pari na nagmimilagro at ang pagdadalang tao ng isang birhen.
Nanalo ito ng Best Picture sa Manila Filmfest nung 2003 at nagkaroon ng premiere sa Toronto International Filmfest nung Setyembre ng nakaraang taon. Ipinalabas din ito at nabigyan ng magagandang reviews sa Bratislava International Film Festival sa Slovakia nung Dis. 3 at 5 at Bangkok International Film Festival nung Enero 24.
Mapapanood na ito sa VCD at DVD mula sa Viva Video.
Magkapareho ang tema ng programa ng Dos na pinamagatang Y Speak sa katapat nitong palabas sa kabila. Pero, mas gusto nilang tawagin itong isang diskusyon na ang magbibigay ng kanilang kuro-kuro ay mga kabataan na kukuha ng malaking interes at pansin ng mga nakatatanda dahilan sa matapang na pagbibigay ng opinyon ng mga maituturing nilang mga anak na.
Host ng Y Speak sina Karen Davila at Ryan Agoncillo. Sasamahan sila ni Bianca Gonzales, isang kabataan na nagtataglay ng beauty and brains. Resident judge si Fr. Carmelo Caliuag, SJ na sasamahan ng isang pares ng celebrity judge. Sa pilot episode, sina Sen. Mar Roxas at Bernadette Sembrano ang mga hurado. Magkakaron ng live audience na bubuuin ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang iskwelahan.
Ginagawa ng DSS Productmakers, Inc, ang Blustar ay ginagawa at inimport pa sa Vietnam at may ibat ibang klase: ang Blustar Advance para sa mano-manong paglalaba, Blustar Automatic para sa gumagamit ng washing machine, Blustar Detergent Cream na pwede sa damit at mga gamit sa kusina at ang Blustar Dishwashing Liquid na amoy lemon.