^

PSN Showbiz

'Huling Birhen' ratsada sa foreign filmfest!

- Veronica R. Samio -
Ang award winning film ni director Joel Lamangan na Huling Birhen sa Lupa at tinatampukan nina Ara Mina at Maui Taylor ay patuloy na humahataw sa mga international filmfests. Napanood ito nung Hunyo 17 at 19 sa 25th Durban International Film Festival na ginanap sa Durban, South Africa na kung saan ay umani ito ng papuri.

Ipalalabas naman ito sa UMEA International Film Festival sa Sweden sa Setyembre 16-22 na susundan ng screenings sa Filmfest Hamburg sa Germany sa Set. 23-30.

Ang Birhen na sinulat ni Racquel Villavicencio ay nagpapakita ng mga pagbabago na nagaganap sa buhay ng tao sa isang maliit na isla na dulot ng pagdating ng isang pari na nagmimilagro at ang pagdadalang tao ng isang birhen.

Nanalo ito ng Best Picture sa Manila Filmfest nung 2003 at nagkaroon ng premiere sa Toronto International Filmfest nung Setyembre ng nakaraang taon. Ipinalabas din ito at nabigyan ng magagandang reviews sa Bratislava International Film Festival sa Slovakia nung Dis. 3 at 5 at Bangkok International Film Festival nung Enero 24.

Mapapanood na ito sa VCD at DVD mula sa Viva Video.
* * *
Talagang tapatan na ang labanan ngayon ng mga network. May bagong programa ang ABS CBN 2 na ipalalabas simula Setyembre 8, Miyerkules, katapat ng Debate ng GMA7.

Magkapareho ang tema ng programa ng Dos na pinamagatang Y Speak sa katapat nitong palabas sa kabila. Pero, mas gusto nilang tawagin itong isang diskusyon na ang magbibigay ng kanilang kuro-kuro ay mga kabataan na kukuha ng malaking interes at pansin ng mga nakatatanda dahilan sa matapang na pagbibigay ng opinyon ng mga maituturing nilang mga anak na.

Host ng Y Speak sina Karen Davila at Ryan Agoncillo. Sasamahan sila ni Bianca Gonzales, isang kabataan na nagtataglay ng beauty and brains. Resident judge si Fr. Carmelo Caliuag, SJ na sasamahan ng isang pares ng celebrity judge. Sa pilot episode, sina Sen. Mar Roxas at Bernadette Sembrano ang mga hurado. Magkakaro’n ng live audience na bubuuin ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang iskwelahan.
* * *
May bagong detergent sa market na kakaiba sa mga ginagamit na nating detergent. Ito ang Blustar na gumagamit ng spray dry technology, isang paraan ng pag-aalis ng moisture sa pulbos na nagpapabigat lamang ng timbang nito pero hindi nagdadagdag ng galing nito sa pagtatanggal ng dumi. Kaya mas concentrated ito kesa ibang detergent.

Ginagawa ng DSS Productmakers, Inc, ang Blustar ay ginagawa at inimport pa sa Vietnam at may iba’t ibang klase: ang Blustar Advance para sa mano-manong paglalaba, Blustar Automatic para sa gumagamit ng washing machine, Blustar Detergent Cream na pwede sa damit at mga gamit sa kusina at ang Blustar Dishwashing Liquid na amoy lemon.

ARA MINA

BANGKOK INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BERNADETTE SEMBRANO

BEST PICTURE

BIANCA GONZALES

SETYEMBRE

Y SPEAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with