May bago nang gf si Carlo

Si Michelle Madrigal, isa sa Fab Five ng Star Circle Quest, ang ipinalit ni Carlo Aquino kay Angelica Panganiban.

Isang taong nang hiwalay sina Carlo at Angel bago ito nakatagpo ng bago at si Angel naman ay masaya sa bago nitong inspirasyon na si Jake Cuenca.

"Hindi pa kami mag-on ni Michelle, pero she inspires me, napapasaya niya ang buhay ko ngayon and we both enjoy each other’s company. Ganu’n na muna ang dream namin. Oo, lumalabas kaming dalawa lang, pero hanggang kain-kain lang ‘yon. Ayaw kong sirain ‘yung malaking trust na ibinigay sa akin ng parents ni Michelle. At ako mismo, e, alam ko naman ‘yung limitation ko."

Magde-debut si Angelica sa November. Isasama ba niya si Michelle?

"Sure akong iimbitahin nila ako at aattend ako syempre. "Kung gusto ni Michelle, isasama ko siya, pero wala ‘yung pilitan. O, ‘yung para lang may maisama ako."

Kung kailan natapos ang interview namin kay Carlo ay saka naman naming nalaman na pareho pala ang birthday nina Angel at Michelle.

Kaya imposibleng maisama ni Carlo si Michelle sa debut ni Angel. (Ulat Ni Boy Romero)

Show comments