"Kulang lang siya sa pansin. Hindi naman kailangan ang publicity para ibando ang tungkol sa escort service. Binabangga lang niya ang mga pulitiko. Akala tuloy ng mga tao ay pare-pareho naming ginagawa ang pagiging escort girl. Kailanman ay hindi ako naging ganito. Nalalagay lang sa panganib ang kanyang buhay. Hindi ko siya ka-level," anang sexy star.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya lumayas sa kanilang pamilya ay dahil matigas ang kanyang ulo. "Nagrebelde ako nang magbreak kami ng aking nobyo dahil tatlong taon din ang naging relasyon namin. Masyadong magulo ang aming affair dahil masyado siyang seloso. Ngayon ay wala na kaming contact sa isat isa," dagdag pa nito.
Mas daring nga ang kanyang role dito kaysa sa Kainan sa Highway kung saan todo breast exposure ang kanyang ginawa. Payag din si Rizza na mag-frontal nudity.
Ang dream role ng magandang sexy star ay maging isang baliw.
Maganda si Nika kaya lang ang problema sa kanya ay ang Visayan accent niya. Kailangan niyang matutong magsalita ng Tagalog dahil parang hirap itong magsalita at iba ang bigkas niya sa mga salitang binibitawan. Malaking break ang ibinigay sa kanya ng Vincent Film sa Hamog sa Bukang Liwayway dahil ito bale ang nagsilbing launching movie ng bold star.
Marami pang mga sikat na artista ang lalabas sa cameo role sa Marinara.