KC, okay sa ex-husband ni Geneva!
August 26, 2004 | 12:00am
Saludo pala si Paco Arespacocha, ang ex-hubby ni Geneva Cruz kay KC Montero, dahil naging mabuti itong ama-amahan sa kanilang anak na si Heaven. Yung hindi nagawa ni Paco sa kanyang anak ay napunan ng rapper gaya ng pagtuturo ng kanyang mga school assignment, pagsesermon sa bata kapag may ginawang kasalanan at ang porma ni Heaven gaya ng pagdadamit at isusuot na sapatos.
Sa presscon ng Hamog sa Bukang Liwayway ay nagsalita si Rizza Rossini nang may nagtanong kung ano ang kanyang reaksyon sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Keanna Reeves.
"Kulang lang siya sa pansin. Hindi naman kailangan ang publicity para ibando ang tungkol sa escort service. Binabangga lang niya ang mga pulitiko. Akala tuloy ng mga tao ay pare-pareho naming ginagawa ang pagiging escort girl. Kailanman ay hindi ako naging ganito. Nalalagay lang sa panganib ang kanyang buhay. Hindi ko siya ka-level," anang sexy star.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya lumayas sa kanilang pamilya ay dahil matigas ang kanyang ulo. "Nagrebelde ako nang magbreak kami ng aking nobyo dahil tatlong taon din ang naging relasyon namin. Masyadong magulo ang aming affair dahil masyado siyang seloso. Ngayon ay wala na kaming contact sa isat isa," dagdag pa nito.
Mas daring nga ang kanyang role dito kaysa sa Kainan sa Highway kung saan todo breast exposure ang kanyang ginawa. Payag din si Rizza na mag-frontal nudity.
Ang dream role ng magandang sexy star ay maging isang baliw.
Naungkat kay Nika Madrid ang tungkol sa "bugaw" isyu ng kanyang manager na si Bing Tongco kaya kinumusta ito ng mga press people. Sabi ng sexy star "Mabait naman po ang aking manager kaya lang dahil sa nangyaring kaso nito tungkol sa pambubugaw ay naapektuhan din ang aking magulang. Akala kasi nila ay ganito rin ang ginagawa sa akin ng aking manager. Pero hindi po totoo yun."
Maganda si Nika kaya lang ang problema sa kanya ay ang Visayan accent niya. Kailangan niyang matutong magsalita ng Tagalog dahil parang hirap itong magsalita at iba ang bigkas niya sa mga salitang binibitawan. Malaking break ang ibinigay sa kanya ng Vincent Film sa Hamog sa Bukang Liwayway dahil ito bale ang nagsilbing launching movie ng bold star.
May cameo role si Fanny Serrano sa Marinara sa Agosto 30 bilang beauty expert. Siya ang may kinalaman sa bagong anyo at kagandahan ni Marie kung saan siya ang magme-make-over dito dahil mapagkakamalan siyang si Aira.
Marami pang mga sikat na artista ang lalabas sa cameo role sa Marinara.
"Kulang lang siya sa pansin. Hindi naman kailangan ang publicity para ibando ang tungkol sa escort service. Binabangga lang niya ang mga pulitiko. Akala tuloy ng mga tao ay pare-pareho naming ginagawa ang pagiging escort girl. Kailanman ay hindi ako naging ganito. Nalalagay lang sa panganib ang kanyang buhay. Hindi ko siya ka-level," anang sexy star.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya lumayas sa kanilang pamilya ay dahil matigas ang kanyang ulo. "Nagrebelde ako nang magbreak kami ng aking nobyo dahil tatlong taon din ang naging relasyon namin. Masyadong magulo ang aming affair dahil masyado siyang seloso. Ngayon ay wala na kaming contact sa isat isa," dagdag pa nito.
Mas daring nga ang kanyang role dito kaysa sa Kainan sa Highway kung saan todo breast exposure ang kanyang ginawa. Payag din si Rizza na mag-frontal nudity.
Ang dream role ng magandang sexy star ay maging isang baliw.
Maganda si Nika kaya lang ang problema sa kanya ay ang Visayan accent niya. Kailangan niyang matutong magsalita ng Tagalog dahil parang hirap itong magsalita at iba ang bigkas niya sa mga salitang binibitawan. Malaking break ang ibinigay sa kanya ng Vincent Film sa Hamog sa Bukang Liwayway dahil ito bale ang nagsilbing launching movie ng bold star.
Marami pang mga sikat na artista ang lalabas sa cameo role sa Marinara.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended