"It was offered to me at ako ang tipo ng tao na di namimili ng gagawin. In the future, baka puwede rin akong mag-share ng story," wika nito.
Ang nabanggit na show ay isa lang sa regular show ng actor sa pinirmahan niyang three-year contract sa GMA-7. First time niyang pumirma ng kontratat iyong five years na nasa network siyay hindi siya pumirma ng kontrata. Loyalty sa istasyong nag-build up sa kanya as TV performer lang daw ang kanyang pinairal.
Incidentally, kung nahihirapan ang network sa paghahanap nang gaganap na Darna, sa leading man ay hindi dahil si Dingdong na yun. Siya si Rico, ang love interest ni Darna.
Naalala namin, "mommy" din ang tawag ni Karen delos Reyes kay Gina noong very close pa sina Karen at AJ Eigenmann pero, sabi ng source namin, iba itong kina Geoff at sa gf nito.
Anyway, nakilalat naka-relasyon ni Geoff ang gf noong hindi pa siya sikat at di pa Globe pre-paid card endorser. Malinaw na hindi ang popularity ng actor ang habol nito.
Siyanga pala, marami ang kinikilig sa love team nina Geoff at Heart Evangelista sa Hiram. Bagay daw ang dalawat may chemistry kaso, pareho na silang taken, kaya malabong mauwi sa totoo ang kanilang tambalan.
Kahit masama ang loob ng press na pinangakuan ni Angge na ipapa-interview si Lotlot, idinaan na lang nila sa biro ang nangyari. Sobrang malayo raw ang CR ng 14th floor ng EJL Communications Bldg. at hindi na nakabalik si Lotlot.
Obvious na iniwas ni Angge na matanong si Lotlot sa balak na pagpa-file (o nakapag-file na) ng annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Ramon Christopher. Sa ginawa ni Angge, nawalan ng chance si Lotlot na ipaliwanag sa press ang gagawin niyang hakbang.
Nagtataka lang ang press dahil pinayagan ni Angge na mag-guest si Lotlot sa Kontrobersyal, tapos sa print media ay ayaw niyang ipa-interview. Nag-guest na rin si Lotlot sa ibang TV show na tungkol din sa kanila ni Monching ang topic kaya, hindi talaga maintindihan ng press kung bakit pinigilan ng kanyang manager si Lotlot na makipag-usap sa kanila.
Ang nangyayari tuloy, ang side ni Monching thru Pilita Corrales ang lumalabas dahil game na game ang mommy ng future ex-husband ni Lotlot na sagutin ang bawat itanong sa kanya tungkol sa pagkasira ng pagsasama ng anak at ni Lotlot. May sinabi pa si Pilita na hindi siya mauunang mambati kay Lotlot halimbawang silay magkita dahil hindi siya binabati nito.
Hindi raw gumaya ang actress kay Geneva Cruz na nag-shave kaya kahit panay ang angat sa hita habang rumarampay walang pubic hair na nakita. Iba nga lang ang nasilip sa kanya na ikinatuwa ng photogs na nasa unahan dahil kanilang nakunan ng litrato.