Feng Shui,may world premiere !

Hindi nagtagumpay ang ilan na pag-awayin nang tuluyan sina Kris Aquino at Annabelle Rama. Kung pagbabasehan ang statement ni Kris sa The Buzz last Sunday, all’s well that ends well kina Kris at Annabelle.

"I love Tita Annabelle, kilala man ito sa pagiging mataray but once she realizes her faults, marunong itong mag-apologize." Very similar sa ugali ni Kris na walang kontrol ang bibig pero kapag na-realize na nakasakit siya, she’d apologize.

Mula nang magtaray si Annabelle sa isang GMA 7 program, marami ang nag-expect na magtutuluy-tuloy ito. Marami rin ang umasa na bubweltahan siya ni Kris.

Pero ngayong okey na sina Kris at Annabelle, tuloy pa rin ang pagiging idol nila sa isa’t isa.
* * *
Speaking of Kris Aquino, all set na ang Star Cinema na ipalabas ang first movie niya sa said film company, ang Feng Shui. After 11 years, first time na nakagawa ng movie si Kris sa Star Cinema.

Maswerte si Kris dahil malaki ang promo na gagawin sa pelikula. Mayroon itong world premiere at ipalalabas ito sa iba’t ibang bansa – Los Angeles, Chicago, Hongkong, Saipan, Guam, Hawaii, Dubai at iba pa.

Mayroon din itong screenings para sa mga students at professors. Mayroon pang screening para sa mga kaibigan ni Kris.

Ang Feng Shui ay base sa original story ni Chito Roño. Sila ni Roy Iglesias ang sumulat ng script. Isa itong horror movie na tiyak na pag-uusapan ang tema at istorya.

"First time na may ganitong tema," proudly says Roxy Liquigan of Star Cinema.

Sinisiguro ng mga nakapanood na ng rushes ng movie na mapapansin si Kris sa pelikula. Nagpaka-Nicole Kidman si Kris sa Feng Shui.

Solo movie ni Kris ang Feng Shui. Pero maganda ang support cast nito – sina Jay Manalo, Lotlot de Leon, Ilonah Jean at Cherrie Pie Picache. Sa September 15 na ang showing nito dito sa Pilipinas.
* * *
Matutuwa ang mga fans ni Geoff Eigenmann dahil finally, makikita na nilang gwapo ang kanilang idol sa Hiram. Matapos ang aksidente, Geoff (Harry) will undergo surgery at magiging gwapo na siya.

"Magugulat ang fans nila ni Heart (Evangelista) dahil mada-divert ang attention ni Geoff kay Anne (Curtis)," kwento sa akin ng headwriter ng Hiram na si Henry King Quitain.

Speaking of Henry, very fulfilled siya bilang headwriter ng Hiram.

"Ang sarap laruin ang kwento ng Hiram. Marami kang pwedeng gawing plots and twists. ‘Tapos ang husay pa ng mga artista namin."

Si Henry ay isa sa ipinagmamalaking writers sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema. Ang Marinella ang unang TV assignment niya. Nasundan ito ng Sa Sandaling Kailangan Mo Ako, Pangako Sa ‘Yo, Sana’y Wala Nang Wakas at ngayon nga ay Hiram ang pinagkakaabalahan niya.

Sa pelikula, nakapagsulat na rin siya. Siya ang sumulat ng script ng Forevermore at Ngayong Nandito Ka – parehong pelikula nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Henry is grateful to Malou Santos at Olive Lamasan.

"Sila ang nagbigay sa akin ng freedom na i-explore ko ang creativity ko," sabi ni Henry.

Si Henry ay member ng creative team ng ABS-CBN at Star Cinema kasama sina Ricky Lee, Jake Tordesillas, Mel del Rosario, Katsky Flores, Wenn Deramas. Si Olive Lamasan ang head ng team.
* * *
Nakatanggap ako ng text message mula kay OJ Mariano. Pinasalamatan ako nito sa suporta ko sa kanya during the duration of Star In A Million. OJ emerged 2nd runner up sa grand finals ng Star In A Million last Saturday na pinanalunan ni Frenchie Dy at si Nyko Maca ang 1st runner up.

"Hindi ako nag-expect, promise," sabi nito. "Yun lang mapasama ako sa grand finals, that alone, achievement na sa akin. Masayang-masaya ako sa success ni Frenchie at Nyko," sabi ni OJ.

Sa ngayon, magku-concentrate si OJ sa pagkanta. Bukod sa offers for him to sing sa mga bars, tuloy din siya sa pag-aaral niya ng music sa University of the Philippines. He is taking up voice.

Show comments