Ang di niya alam, kabaro rin niya ito. Nahuli ito ng kanyang alalay na nakikipag-lips to lips sa kasamahang commercial model.
Ang actor-commercial model ay lumabas sa isang teleserye noon pero naglay-low dahil nabalitang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Pero ngayon ay nagbabalik-showbiz ito at visible uli sa TV at movies.
Sa kabilang banda, masama ang loob ni Gabby dahil hindi matanggap ang pagiging ganap na Pangilinan ni KC Concepcion. Unang anak kasi ito ni Gabo kaya mahal na mahal niya ito.
Naniniwala naman ang ama ni Gabby na si Rollie na darating din ang panahon na hahanapin ni KC ang biological father nito.
Higit sa lahat, never namang ikinahiya nito ang kanyang tunay na ama dahil nanggaling naman si Gabby sa magandang angkan.
Hindi na maghuhubad ang sexy star dahil sa kanyang Japanese husband. Pero, pwede itong magpa-sexy. Nakalinya ang isang international movie nito na gagawin sa abroad.
Tinanong namin kung totoo bang magkaaway sila ni Gladys na dating kasama nila sa kanilang grupo. "Hindi naman kami magkagalit. Nagkita lang kami last month at nagti-text naman kami sa isat isa. Nagsolo na ito at naging madalang ang aming pagkikita dahil nag-asawa na ito."
Kasama ni Kai sa grupo sina Daniel Lardizabal, Cris Samonte at Shanna Hife.