Nude paintings nina Rose at Tracy,ipamimigay sa XTREME fashion show !

Isang todong sexy fashion show ang mapapanood sa Agosto 31, sa Klownz Araneta. Pinamagatang XTREME, (Armando Fabia Skinwear Collection) tampok dito ang Xtreme Babes (pantapat sa Viva Hot Babes at Show Girls) na sina Tracy Torres, Rose Valencia, Via Veloso, Kuhdet Honasan, Kat de Santos, Ilonah Marquez, Raja Montero, Tanya Trillanes, Morena Garcia, Jewel Cojuangco, Maura Muñoz at Sofia Reid.

Kasama rin ang naggagwapuhang sexy actors na sina Raffy Anido, Alken Miranda ng Viva Hot Men, Jack Mendoza ng Hot Guys, Ryan Muñoz, Vincent Vilola, Jay Lopez at James Karl Manalo. Guest model si Krista Grupp sa direksyon ni Mac de Leon.

Nangangako ang designer na si Armando Fabia na hindi mabibitin ang mga manonood. May masisilip talaga sila, na pag-uusapan talaga ang show.

Hindi lang rarampa ang Xtreme Babes, sasayaw din sila kasama ang Maximum Xpression.

May pa-raffle pa ng nude paintings ng dalawang producers ng show na sina Rose Valencia at Tracy Torres courtesy ng mga pintor na sina Al Perez, Gus Albor at Hermes Allegre. May libreng dinner date kina Rose at Tracy.

Mabibili ang tiket sa SM Ticketnet, Araneta Coliseum Box office (9115555), Klownz Araneta at Quezon
Ave, Zirkoh Timog, Amnesiacs Grill, MH del Pilar-Malate, Kismet Bar, Meralco Ortigas, Armando Fabia Shop, P. Campa, Sampaloc, Manila. Para sa ibang detalye, tumawag sa RFC Entertainment 09206468673.
* * *
Sa kabila ng kawalan ng pelikula ngayon na dulot ng napakababang ekonomiya na siyang dahilan ng pagkamatay ng lokal na pelikula, may mangilan-ngilan pa ring independent producer ang sumusugal para makagawa ng pelikula. Gaya ng Vincent Films na pagkatapos ng Kainan sa Highway ay mayro’n na namang Hamog... Sa Bukang Liwayway.

Tampok sa Hamog sina Nika Madrid at Rizza Rossini. Launching movie ito ni Nika na nagbunga na rin ang paghihintay mula sa pagiging support star.

Second lead naman dito si Rizza na iniwan ang isang komportableng buhay sa probinsya para makipagsapalaran sa magulong mundo ng showbiz. Bagaman at tatatlong buwan pa lamang siya sa pelikula, masaya na siya na mabilis ang pag-usad ng kanyang career.

Itinanggi naman ni Nika ang bintang na isa rin siyang escort girl. Sa pelikula lamang daw ito. "May mga nag-aalok pero, di ko pinapansin dahil di ko alam kung totoo ang alok o nagbibiro lamang. O baka sinusubukan lamang ako," ani Nika na gumaganap ng role ng anak nina Via Veloso at Francis Enriquez sa pelikula.
* * *
veronica samio@yahoo.com

Show comments