"Syempre naman, natutuwa ako sa papuri ng mga tao sa kaseksihan ko," sabi ni Aya kamakailan. "Kaya lang, gusto ko ring maipakita sa tao ang kakayahan ko bilang dramatic actress. Nami-miss ko yung mga pelikula sa akin ni Mario OHara, gaya ng mga pelikulang Sisa at Babae sa Bubungang Lata."
Umaasa si Aya na mabibigyan siya ng ganitong klaseng pelikula. Kamakailan nga, sasabak sana siya sa Tag-init at tatanggapin na sana niya ang role. "Pero hindi ko nagustuhan ang billing," pagtatapat niya, "Kasi, ang tagal ko ring inalagaan ang pangalan ko sa showbiz. Parang hindi ko matanggap na ilalagay lang sa isang tabi ang pangalan ko. Lets face it, ang dami ko ng ginawang pelikula at sa very first movie ko, Nakalimot na Pag-ibig directed by Artemio Marquez, bida na agad ako!"
Si Alma Concepcion nga ang pumalit sa iniwang role ni Aya. Comebacking movie niya ito. "Ako naman e hindi nagka-comeback. I have always been around naman. Pinipili ko lang talaga yung nababagay na role para sa akin. Saka importante nga sa akin ang billing.
"Maaaring may mas bata sa aking sexy star, pero kahit itabi mo ako sa kanila, I still look young if not much younger, di ba? Saka mas may depth na ang acting ko ngayon, compared noon. Mas gusto ko ang challenging roles at pwede pa rin naman ako sa mga makamundong eksena kung talagang kinakailangan sa pelikula. Sabihin na nating palaban pa rin naman ako! Why not?" sabi ng sexy star na may sukat na 37-24-37. Jojo Veloso