Sheryl, di agad nakadalaw sa puntod ng ama dahil sa traffic
August 23, 2004 | 12:00am
Sa ginawang panayam kay Sheryl Cruz ng ilang malalapit na manunulat ay inamin nitong prayoridad niya ang pagdalaw sa puntod ng kanyang yumaong amang aktor na si Ricky Belmonte at magsindi ng kandila. Matagal nang nawala sa bansa ang aktres at sa kanyang pagbabalik pagkatapos ng walong taong pangungulila sa kanyang mga naiwang mahal sa buhay, mga tagahangang hanggang ngayon ay nagmamahal sa kanya at ang kinalakhan nitong buhay-artista.
Mga ilang araw na ang nakaraan mula nang dumating ito noong Huwebes, Agosto 12 ay hindi pa nito nakuhang dalawin ang libingan ng kanyang ama sa dahilang marami siyang inunang mga bagay tulad ng mailagay ang kanyang pamilya sa tamang kalagayan at maihanda sa maayos ang mga pangangailangan nila sa araw-araw. Maliban dito, naidaing ng aktres ang mabigat na trapik na nasuong nila noong araw ng pagdating nila sa NAIA hanggang sa kanilang tinitirhan sa ngayon. Aniya, tanging araw ng Linggo siya nakaranas ng maluwag na trapik kaya kung hindi pipiliin ang araw sa pagdalaw sa puntod ng ama kahit isang oras at kalahati ang traveling time nito mula sa kanilang tahanan, tiyak aabutin sila ng tatlo o limang oras dahil sa bigat ng trapik.
Ayon pa rin sa kanya, hindi pa nito nadadalaw o nakakausap ang kanyang mga kamag-anakan sa parte ng kanyang ama at humihingi rin siya ng despensa sa mga Cruz na hindi siya nakadalaw sa pagkamatay ng kanyang Uncle Danny Cruz sa mga mahalagang gawain na hindi niya naiwan noon sa America. "Sana, maintindihan nila ako dahil hindi lang naman sila ang namatayan, ako rin. Ito talaga ang buhay at dapat matanggap natin at we have to move on."
Nang mga sandaling kausap namin siya sa loob ng dressing room ay hindi ito nakatulog ng mahabang oras dahil maliban sa mayroon pang jet log ay gusto nitong pagbigyan ang lahat ng gustong makausap siya dahil gusto nitong itama kung ano mang mga maling balitang ipinukol sa kanila noon.
Wala pang katiyakan kung anong proyekto ang unang gagawin ni Sheryl dahil hanggang sa ngayon ay wala pa silang natanguang alok. Hindi totoong kaya siya bumalik ay dahil may napagkasunduan sila ni Mother Lily na isasama siya sa cast ng Mano Po 3 at pati roon sa Krystala ni Juday ay magkakaroon siya ng mahalagang partisipasyon. Kaya lang, nang makausap namin ang kanyang manager, nabanggit ni Mr. Cuartero na hindi nakahabol ang kanyang alaga dahil kailangan simulan na ang fantaserye. "There are offers but Im not committed to anybody yet. The reason Im here is that I missed everybody and I wanna enjoy my vacation," pahayag nito at pakiusap sa kanyang manager na bigyan siya ng oras para makapagpahinga.
Pinagtawanan ni Sheryl ang intrigang on the rocks na ang pagsasama nila ng kanyang asawa dahil sa pagbabalik ng asawa sa USA ay bitbit nito ang kanilang tatlong taong gulang na si Ashley. "Of course not, the baby will stay with me and my husband will come back on December." Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am