Lara Fabregas, hinihintay ng mga gustong mag-waitress sa London
August 23, 2004 | 12:00am
"Kayo ang sumulat tungkol sa make-up ko at pagmumukha kong ate ni Rainier (Castillo) dahil mataba ako?", bati ni Yasmien Kurdi nang makita namin sa presscon ng Joyride. Nang umoo kami, nagkwento na ito na hindi siya na-offend sa nasulat namin dito sa Pilipino Star Ngayon sa makapal niyang eye make up, kundi ang nagmi-make up sa kanya.
Hopefully, pinakinggan ni Yasmien ang aming paliwanag na hindi namin siya sinisiraan o ang kanyang make-up artist na mula sa isang sikat na chain of beauty salons at kilala pa namin ang owner. Ang pinuna namin ay ang makapal niyang eye make-up at paglalagay ng eye concealer na hindi bagay sa kanyang edad (shes 15 years old for Christ sake!). Saka, wala pang dark circle under her eyes na kailangang takpan.
Sa presscon ng nabanggit na show, pinuri namin ang minimal make-up ni Yasmien at wala ring concealer ang mga mata. Ang ganda niyang tingnan at lumabas ang pagka-bagets.
Ginagawan na rin ng paraan ng youngstar ang kanyang timbang. Shes down to 110 lbs. na tama lang sa height niyang 55. Tiyak daw na mababawasan pa ang kanyang timbang dahil bukod sa taping ng TV show ay nagsu-shooting siya ng Aishite Imasu 1941 at Que Sera Sera.
Excited na pala si Yasmien na simulan ang recording ng album niya sa GMA Records. Original compositions daw nina Vehnee at Freddie Saturno ang songs na isasama sa kanyang album.
"Im happy na magkaka-album na ako at masi-share ko na sa fans ang singing talent ko. Before, ang alam ko lang ay kumanta, hindi ko naisip na I can dance and I can act din pala. Request ng fans na isama ko sa album ang "Every Moment Is Right" at "The Voice Within" ni Christina Aguilera na kinanta ko sa finals ng StarStruck. I dont know kung pagbibigyan sila ng GMA Records," wika ni Yasmien.
Ipapalabas sa Studio 23 ng ABS-CBN ang total make over reality show na The Swan. Ito na yata ang pinakamagastos na reality show dahil pagagandahin ang mga contestant at kung kailangan ang plastic surgery ay gagawin. Napanood namin ang teaser nitot mukhang magki-klik ito sa local TV viewers.
Halos ganito ang concept ng Born Diva ng Ch. 2 na ididirek ni Lino Cayetano. Wala rin daw limit ang gagastusin ng network para sa show na sa September na ang airing. Hihintayin lang mag-expire ang contract ni Direk Lino sa GMA-7 at saka, sisimulan ang show.
Isa lang ang Born Diva sa hahawakang show ni Direk Lino sa Dos dahil magdidirek din siya ng Maalaala Mo Kaya. Matutupad din ang dream ng batang director na makapagdirek ng pelikula dahil bibigyan siya ng break ng Star Cinema na makapagdirek ng pelikula.
Dinagsa ng tawag ang office ni Bibsy Carballo mula nang lumabas ang balitang malapit na pag-uwi ni Lara Fabregas. Hindi nga lang fans ng actress ang tumawag at lalong hindi producer o director na gusto siyang kunin sa pelikula o telebisyon. Mga naghahanap ng trabaho sa London ang mga tumawag.
Dahil nabasa nilang nagtatrabahong waitress sa London si Lara, ang ilan sa mga tumawag ay nagtanong kung paano makakapasok sa pinagtatrabahuhan nito at kung ano pa ang ibang available jobs sa London. "Ginawa kaming agency," natatawang wika ni Alex Brosas.
Hindi pa matukoy ni Alex kung kailan ang exact date nang pagdating ni Lara, basta kundi end ng month ay first week ng September and by October, balik-London na ito.
Kaaliw ang tsikang ito basahin ninyo. Hindi nga namin mapigilang matawa habang ikinukwento sa amin.
Nag-react ang mga taga-news department ng isang network at tumawag pa sa executive producer ng isang natsuging afternoon show. Kanilang inireklamo ang ipinangalan sa hayop na kasama sa cast ng show dahil may kapangalan sa news department na mataas pa ang katungkulan.
Nang maisip ng EP ang connection ay agad ginawan ng paraan ang reklamo ng mga taga-news department. Tsinugi sa istorya ang hayop bago pa makarating sa kapangalan nito at para maiwasang may ma-offend. Mabuti na lang at walang power magreklamo ang kawawang hayop, kaya kahit di natapos ang kanyang kontratay okey pa rin sa kanya.
Hindi namin binanggit kung anong hayop ang aming tinutukoy at baka mahulaan ninyo. Baka kami naman ang mapahamak.
Hopefully, pinakinggan ni Yasmien ang aming paliwanag na hindi namin siya sinisiraan o ang kanyang make-up artist na mula sa isang sikat na chain of beauty salons at kilala pa namin ang owner. Ang pinuna namin ay ang makapal niyang eye make-up at paglalagay ng eye concealer na hindi bagay sa kanyang edad (shes 15 years old for Christ sake!). Saka, wala pang dark circle under her eyes na kailangang takpan.
Sa presscon ng nabanggit na show, pinuri namin ang minimal make-up ni Yasmien at wala ring concealer ang mga mata. Ang ganda niyang tingnan at lumabas ang pagka-bagets.
Ginagawan na rin ng paraan ng youngstar ang kanyang timbang. Shes down to 110 lbs. na tama lang sa height niyang 55. Tiyak daw na mababawasan pa ang kanyang timbang dahil bukod sa taping ng TV show ay nagsu-shooting siya ng Aishite Imasu 1941 at Que Sera Sera.
Excited na pala si Yasmien na simulan ang recording ng album niya sa GMA Records. Original compositions daw nina Vehnee at Freddie Saturno ang songs na isasama sa kanyang album.
"Im happy na magkaka-album na ako at masi-share ko na sa fans ang singing talent ko. Before, ang alam ko lang ay kumanta, hindi ko naisip na I can dance and I can act din pala. Request ng fans na isama ko sa album ang "Every Moment Is Right" at "The Voice Within" ni Christina Aguilera na kinanta ko sa finals ng StarStruck. I dont know kung pagbibigyan sila ng GMA Records," wika ni Yasmien.
Halos ganito ang concept ng Born Diva ng Ch. 2 na ididirek ni Lino Cayetano. Wala rin daw limit ang gagastusin ng network para sa show na sa September na ang airing. Hihintayin lang mag-expire ang contract ni Direk Lino sa GMA-7 at saka, sisimulan ang show.
Isa lang ang Born Diva sa hahawakang show ni Direk Lino sa Dos dahil magdidirek din siya ng Maalaala Mo Kaya. Matutupad din ang dream ng batang director na makapagdirek ng pelikula dahil bibigyan siya ng break ng Star Cinema na makapagdirek ng pelikula.
Dahil nabasa nilang nagtatrabahong waitress sa London si Lara, ang ilan sa mga tumawag ay nagtanong kung paano makakapasok sa pinagtatrabahuhan nito at kung ano pa ang ibang available jobs sa London. "Ginawa kaming agency," natatawang wika ni Alex Brosas.
Hindi pa matukoy ni Alex kung kailan ang exact date nang pagdating ni Lara, basta kundi end ng month ay first week ng September and by October, balik-London na ito.
Nag-react ang mga taga-news department ng isang network at tumawag pa sa executive producer ng isang natsuging afternoon show. Kanilang inireklamo ang ipinangalan sa hayop na kasama sa cast ng show dahil may kapangalan sa news department na mataas pa ang katungkulan.
Nang maisip ng EP ang connection ay agad ginawan ng paraan ang reklamo ng mga taga-news department. Tsinugi sa istorya ang hayop bago pa makarating sa kapangalan nito at para maiwasang may ma-offend. Mabuti na lang at walang power magreklamo ang kawawang hayop, kaya kahit di natapos ang kanyang kontratay okey pa rin sa kanya.
Hindi namin binanggit kung anong hayop ang aming tinutukoy at baka mahulaan ninyo. Baka kami naman ang mapahamak.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended