Isa pang Pinay,nagpakitang gilas sa London
August 22, 2004 | 12:00am
Sa mga magulang ni Cherrie Veloso Villanueva ako naiinggit sapagkat 22 taong gulang lamang ito pero nag-top ito sa kanyang apat na subjects sa kinuha niyang bar exams sa London. Una nang kumuha ng kanyang early education si Cherrie sa Cambridge at nagtapos ng kanyang kurso sa isang prestigious London School of Economics (LSE) at Ll.B in Laws LSE on behalf of the University of London. Nanguna ito sa Taxation, Laws & Institution of the European Union at Labor Law. Dahilan dito, pinarangalan si Cherrie. Bukod dito, marami na ring parangal na nakuha ang maganda at batang abogada sa London.
Nakilala ko si Cherrie sa blowout na ibinigay sa kanya ng kanyang ama na isa ring abogado, si Atty. Joe Villanueva kamakailan lamang, kinabukasan na dumating siya mula London. Birthday din ng kanyang ama kaya naging malaki ang selebrasyon. Nakilala ko rin ang kanyang kapatid na si Hannah. 14 years old lamang at nangangarap ding makatapos ng abogasya at ang kanilang ina, na si Malou, isang matagumpay na negosyante.
Parehong maganda ang magkapatid at pwedeng-pwedeng mag-artista. Pero, ang pag-aartista ay hindi pumapasok sa kanilang isipan. Kung sakali man, baka si Cherrie na napakagaling umawit. Pero, kung magso-showbiz siya, gusto niya ay maging host sa TV na kung saan ay magagamit niya ang pinag-aralan niya. Mayron pa siyang hanggang Setyembre para pag-isipan ang lahat ng ito. Mayron kasi siyang alok para sa isang magandang trabaho sa London.
Habang wala pang ma-dramang teleserye si Dingdong Dantes, isang palabas na katatakutan, tungkol sa mga supernatural occurences at paranormal phenomena ang iho-host niya simula sa Agosto 28, Sabado, 4:45 NH sa GMA 7 na may pamagat na Wag Kukurap.
Dalawang tunay na istorya ang mapapanood kada linggo na naranasan ng tunay na mga tao. Sa unang buwan ng pagpapalabas, mga karanasan ng mga celebrities ang itatampok. Sa Pilot episode, sina Jackie Esteves ng Sexbomb at April Boy Regino ang magsasalaysay ng kanilang mga nakakatakot na karanasan. Huwag palampasin!
Magsisimula na naman ang GMA7 ng audition para sa pangalawang bugso ng StarStruck mania. Kung akala nyo na first and last time yung pagkakapili kina Jennylyn Mercado at Mark Herras, nagkakamali kayo. Magiging mas malaki at bongga ang susunod na kabanata ng StarStruck. Subaybayan ang pagbabalik ng kinababaliwang reality artista search.
Nakilala ko si Cherrie sa blowout na ibinigay sa kanya ng kanyang ama na isa ring abogado, si Atty. Joe Villanueva kamakailan lamang, kinabukasan na dumating siya mula London. Birthday din ng kanyang ama kaya naging malaki ang selebrasyon. Nakilala ko rin ang kanyang kapatid na si Hannah. 14 years old lamang at nangangarap ding makatapos ng abogasya at ang kanilang ina, na si Malou, isang matagumpay na negosyante.
Parehong maganda ang magkapatid at pwedeng-pwedeng mag-artista. Pero, ang pag-aartista ay hindi pumapasok sa kanilang isipan. Kung sakali man, baka si Cherrie na napakagaling umawit. Pero, kung magso-showbiz siya, gusto niya ay maging host sa TV na kung saan ay magagamit niya ang pinag-aralan niya. Mayron pa siyang hanggang Setyembre para pag-isipan ang lahat ng ito. Mayron kasi siyang alok para sa isang magandang trabaho sa London.
Dalawang tunay na istorya ang mapapanood kada linggo na naranasan ng tunay na mga tao. Sa unang buwan ng pagpapalabas, mga karanasan ng mga celebrities ang itatampok. Sa Pilot episode, sina Jackie Esteves ng Sexbomb at April Boy Regino ang magsasalaysay ng kanilang mga nakakatakot na karanasan. Huwag palampasin!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended