May kapalit na si Vehnee Saturno

Kayang-kaya niya ring gumawa ng mga hit songs at mga kantang mananalo sa mga local at international song festivals.

Siya pa ang deretsong nagsabi kay Vehnee: "Kaya kong malampasan ang mga achievements mo."

Naniwala naman agad ang multi-awarded composer at consistent hitmaker. Sa mga recent hits lamang ni Vehnee, mukhang mahirap lampasan ang mga nagawa niya. Tulad ng "Forever Is Not Enough" para kay Sarah Geronimo at ng "Bakit Pa Ba" para kay JayR.

Bukod sa mga naging giant hits ang dalawang kanta, ito rin ang nag-establish sa dati’y mga bagong salta sa larangan ng musika, bilang mga singing stars.

Tila sinadya rin na ang dalawang kanta ni Vehnee Saturno ang malalakas na finalists sa "Song of the Year" derby sa darating na Awit Awards ng Philippine Association of the Record Industry.

Ang most recent triumph naman ni Vehnee sa worldwide competition ay nang magwagi si Sheryn Regis sa Voice of Asia International Song Festival sa Kazakhstan ng second prize. Ang kinanta ni Sheryn sa final night ng timpalak, likha ni Vehnee.

Paano ngang naniwalang bigla si Vehnee sa tahasang nagsabi sa kanya na dadaigin pa siya bilang tuneweaver?

Sa anak niya kasing babae na si Venelyn (Popsie) nanggaling ang deklarasyon.

"Posible nga akong madaig ng anak kong si Popsie," umayon agad si Vehnee. "Bata pa kasi siya, pero naririnig ko na sa mga compositions niya ang magagandang kanta’t potential hits."

Nagmamalaking nagkwento si Vehnee tungkol kay Popsie. Kaya pala ganito ang palayaw sa kanya ay pinanganak si Venelyn noong nanalo ng grand prize sa Metro Manila Popular Song Festival ang kanyang tatay dahil sa kanta nitong "Isang Dakot".

Noong nagtapos ng elementary at high school si Popsie ay valedictorian. Noong mag-graduate naman siya ng communication arts sa UST ay cum laude ang batang Saturno.

Bukod sa magaling mag-compose ng melody, mahusay at mabilis pang maglapat ng lyrics si Popsie.

Sa mga nagawang kanta ni Popsie para rin sa mga young singers sa kasalukuyan, nagustuhan ko ang "Di Pa Kita Nakita" at "Was I Dreaming". Tiyak na magiging mga hit songs ito, lalo pa’t sa magagaling na singers maibibigay.

Maganda rin ang boses ni Popsie. Narinig ko ito sa mga demo CD ng kanyang mga compositions, na siya rin ang kumanta. Sa pagkanta pa lamang ay talagang daig niya ang kanyang ama.

"Marami ng mga kompanya at advertising agencies ang nag-uunahan na makuha si Popsie," sabi ng proud daddy. "Pero nakiusap ako sa kanya na sa akin muna siya magtrabaho. Kahit hindi ko kayang ibigay ang mataas na mga suweldong ini-offer sa kanya."

Sa pagtatrabaho nilang mag-ama, humanga agad ang tatay sa bilis maglapat ng mga lyrics ni Popsie sa mga melodies na likha ni Vehnee.

"Saka iba ang pulso ng kabataan, nasasalamin talaga niya ang mga tamang sentiments ng today’s youth. Saka marami pa siyang maaring ikwento sa mga kanta. Ako naman, baka naikwento ko na lahat."
* * *
Dapat talagang magpasalamat si Madam Auring sa Magpakailaman ng GMA dahil sa magandang pagsasadula ng kanyang buhay at higit sa lahat, naging maganda siya sa nasabing teleplay.

Si Gina Pareño kasi ang gumanap sa papel na Madam Auring. Syempre flexible at hindi matigas ang mukha ng aktres kaya’t naipakita niya ng buong husay ang madradramang tagpo sa buhay ng manghuhula/beautician.

Ang hindi ko lang alam, kung pawang katotohanan ang lahat ng mga napanood ko last Thursday evening.

Sa ganda ng Madam Auring Story sa Magpakailanman at sa pagka-controversial ng tema ng istorya, tiyak na mataas na naman ang rating na nakuha ng show hosted by Mel Tiangco.

Humanga rin naman ako kay Madam Auring sa interview portion ni Mel sa bandang huli ng show. Napagdiinan kasi niya, kahit may edad na ang mga babae, may mga pangangailangan pa rin na dapat ihanap ng katuparan.

Ang sabi nga niya, "sana huwag namang ipagkait ng aking mga anak at ng ibang tao ang aking kaligayahan."

Naka-relate daw ako, noh!

Show comments