Aubrey,affected sa pagkaka-shelve ng movie nila ni Troy

Kitang-kita sa magandang mukha ni Aubrey Miles ang malaking epekto sa hindi pagkatuloy ng unang bold movie nila ni Troy Montero. Parang buhanging gumuho ang kaligayahang nararamdaman nilang dalawa ni Troy dahil ito ang launching ng aktor na ang naging kontrabida ay ang pagpahayag ng SM Super Malls management na walang pelikulang rated 18 na pwedeng maipalabas sa mga SM malls sa buong kapuluan.

Umaasa pa rin si Aubrey na maayos ito ni Mother Lily at habang hinihintay ang panahong humupa ang init ng naturang isyu ay gagawa muna siya ng isang horror movie na posibleng kasama pa rin niya si Troy.

Maliban sa pagpayag ni Troy na mag-bold sa unang pagkakataon sa pelikula, introducing sana ang pinsan ni Aubrey sa movie.

Pagkatapos ng matagumpay na operasyon ni Aubrey sa kanyang tonsils ay balik kamera uli siya kahit tatlong linggo ang instraksyon sa kanya na magpahinga. Sa ikalawang linggo ay nag-taping na ito sa Home Along Da Airport pero no talkies muna siya at moderate akting lang ang gagawin.

Bawal na sa bold aktres ang magpuyat at madalas na paglabas-labas dahil maraming bacteria na siyang masasagap sa pagkawala ng kanyang tonsils.

Kung noon ay bawal sa kanya ang magsasalita ngayon pagkatapos ng pahinga ay pwede na raw itong magdaldal at kumanta nang kumanta. Katunayan, ire-release na ang kanyang album under Prime Records at umaasa siyang tatangkilikin ito ng masa. Alex Datu

Show comments