Apat pang iibigin

Aktibo na naman sa pagtuklas at pag-aalaga ng talents ang dating Biliran board member na si Jojo Veloso.

Nauna nang ipinakilala niya ang tatlong mga bagong tuklas na babae, sina Mariel de Palma, Miranda Jackson at Safeeya Prada, ngayon naman apat na mga bagong iibiging lalaki ang ipinaparada niya, gwapo at punum-puno ng sex appeal. Mga magbibigay ningning sa kakulangan ng mga pang-bidang lalaki sa industriya. Malapit na silang lumikha ng ingay sa kanilang paglulunsad.

Una si Alvin Marquez, 23, nakilala sa fantaseryeng Marina bilang manliligaw ni Meryll Soriano. At 17, naging print ad model ang taga-Nagcarlan, Laguna na ito na naglalaro ng basketball at badminton at type din mag-swimming. May taas itong 5’11".

Alvin Fortuna
ang pangalan niya pero, bininyagan siya ng Marquez ni Direk Wenn Deramas. "Isa ako sa gameboys ni Kris sa Game KNB kaya naisip ni direk na gawing kumbinasyon ako nina Alvin Patrimonio at Joey Marquez," anito.

Nasa huling taon na sa Mechanical Engineering si Jon C. Borjal sa Mapua. Naka-kontrata siya sa Viva Films ng limang taon at naintroduce siya sa pelikulang First Time, isang bold movie. Hindi siya nag-bold sa nasabing movie.

Pamangkin ng isang sikat na manunulat si Jon na ang pamilya ay naniniwala sa kahalagahan ng college degree.

Tulad ni Alvin, isa ring print at commercial model ang six footer na si Jon. Naging modelo siya ng Greenwich at Globe at regular nang lumalabas sa TV.

Pinaka-bata sa apat si John Leo Gorospe na 18 taon at taga-Sampaloc, Manila. Last year, nakatakda sana siyang maging leading man ni Judy Ann Santos pero, na-shelve ang pelikulang pagsasamahan nila na dapat ay pang-MMFF. Di naman na-disappoint si Leo dahil bayad naman silang lahat. Ngayon kung gagawa siya ng movie, gusto niyang makasama si Aubrey Miles dahil "Gusto ko ang complexion niya at mayro’n siyang tantalizing eyes," sabi ng aktor na may taas na 5’9".

Isang professional na ramp at commercial model ang 23 years old na si Cesar Young. Pinaka-latest niya yung Gold Eagle Beer na may nagsasalitang manok at kalabaw.

Isa siya sa top 5 models ng 2002 Body Shots at nanguna sa Mr. Sexy ng Eat Bulaga two years ago. Nag-aral siya ng HRM sa Trinity College.
* * *
Ang final screening para sa BNY’s Next Top Models at sa BNY’s Ambassadors and Ambassadress of Goodwill ay ngayong ika-21 at 22 ng Agosto, alas-2 hanggang 5 NH sa KFC P. Campa cr. España (tabi ng Morayta overpass).

Kung ikaw ay photogenic at telegenic, 5 hanggang 19 na taong gulang (lalaki’t babae) pumunta lang at dalhin ang inyong resume at latest photos at suot ang inyong BNY outfit. Tumawag o mag-txt sa 09186315757 at hanapin si Mr. Yves Saguin, events organizer at show director para sa BNY search.

Show comments