Bago pa man sumabog ang balita, nakatunog na ako na may problema si Rica. Sa Cork Grill, malungkot si Rica kasama ang mga kaibigang sina Nikki Valdez, Anne Curtis at Joyce Jimenez. Ka-table rin nila si Edu Manzano.
Maya-maya, nakita kong nagpunta si Rica sa banyo. Umiiyak na ito. Agad naman siyang sinundan nina Nikki, Anne at Joyce. Sumugod na rin si Edu.
Maya-maya ay lumapit sa akin si Rica. Alam niyang bothered ako. She assured me na okey naman siya. Hindi na ako mapalagay dahil masyado nang malungkot si Rica.
I dont want to put pressure kay Rica na sabihin sa akin ang kanyang problema. Ang dalangin ko lang, kung ano ang problema niya. Be it with Bernard o kung anuman, madali siyang maka-recover.
Alam kong malungkot na malungkot ngayon si Rica. Hihintayin ko na lang na dumating ang araw na muling ay makikita ko ang tunay na ngiti sa kanyang labi.
Hindi kailanman umamin pero malinaw ang relasyon ni Mico kay Joyce. Sa mga gatherings, constant partners sina Joyce at Mico. Ilang taon din ang kanilang relasyon.
Well, hiwalayan naman ang uso ngayon sa showbiz. Sino naman kaya ang susunod na mababalitang hiwalay na rin?
"Michelle knows na pinaganda talaga namin ang album. The songs were carefully chosen and pati yung pagkaka-arrange," sabi ni Annabelle.
It has always been Michelles dream na magka-record. Alam niya na bilang isang singer, ultimate dream come true ang magkaroon ng sariling recording album.
"Kaya nga po overwhelmed ako, e," sabi ni Michelle sa album launch na ginanap sa Dish sa ABS-CBN.
Michelle is being groomed as the youngest diva of Star Records. Suportado rin siya ng ABS-CBN Star Magic (Talent Center). Noong launching ng kanyang album, in full force ang Star Magic lead by her handler Portia Dimla.
Maganda ang laman ng self-titled debut album ni Michelle. Lalo na ang carrier single na "Mamahalin Kita, Kahit Na". Kasama rin sa album ang mga kantang "Fallin", "Zoom", "If I Say I Love You", "Kay Tagal", "It Might Be You", "Ayoko Na Sana", "Kailan Kaya" (theme from Marina) at ang hit single niyang "The Love You Want".
Nominated din si Michelle sa forthcoming 17th Awit Awards for best performance by a new female recording artist.
Sa episode sa Linggo, kuwento ni Romeo, isang binata na nag-aalaga ng ahas. Nakilala siya ni Vicky, isang journalist. Doon din ay nadiskubre ni Vicky na ang ulo ni Romeo ay puno ng ahas. Si Romeo ay isang mala-Valentino.
"This is something na matutuwa ang mga bata dahil very real ang ahas na ginamit na prosthetics plus the story, may pagka-love story din," kwento sa akin ni Wansapanataym executive producer Emilio Paul Siojo.
Bida si James Blanco bilang Romeo kasama sina Maui Taylor, Marky Lopez, Joe Gruta at Jackie Castillejo. Ang "Snake Boy" episode ng Wansapanatay ay mula sa panulat ni Richard Reynante at dinirek ni Jon Red.
Ang Wansapanataym ay napapanood sa ABS-CBN tuwing Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Linggo.