Nagtataka kasi ang mga staff ng naturang mga programa kung bakit hindi sumisipot sa tapings si Maureen dahil never itong umabsent sa mga taping at kilala rin itong propesyonal.
Kung anu-ano raw rason ang ibinibigay ng kampo ni Maureen kapag wala ito, may raket, may presscon at iba pa, hanggang sa nabuking na nasa Amerika pala ito. Hindi raw kasi ipinaalam ni Maureen sa GMA management na umalis siya.
Maselan ang dahilan ng pagpunta ni Maureen sa Amerika at career daw niya ang nakataya kaya ito umalis. Dagdag tsika pa na may bago raw itong batang-batang boyfriend dahil matagal na itong hiwalay sa dating bf na si Fausti Tambunting.
As of this writing ay hindi pa namin alam kung sisipot si Maureen sa tapings this week dahil balitang pabalik na siya ng bansa.
Dahil sa isyu, hindi na raw nagagawi si Edu sa make-up room kung saan madalas si Pinky bago humarap ng camera.
Bukas naman ang pahinang ito para kina Edu at Pinky, kung ano ba talaga ang real score sa kanila.
"Umpisa pa lang kasi ng taon, nakapwesto na kung aling shows ang may ads, so bago mo mabawi ang puhunan mo, maglalabas ka muna ng malaking pera, e, for you to spend two hundred thousands per episode, that’s a lot of money, e, paano kung araw-araw ang show?
"Kaya by next year, hopefully, maayos na, kaya as of now, one at a time muna ang pagbubukas namin, hindi pa kaya ng sabay-sabay.
Sinasabing ang bagong programa ni Juliana Palermo na Secrets ay good for one season lang daw, depende kung maraming ads.
At inamin uli ng source ko na medyo nangangapa rin sila sa Chairman at CEO ng ABC 5 na si Mr. Tonyboy Cojuangco dahil diretso raw itong makipag-usap, kapag hindi niya gusto ay sinasabi kaagad, di raw tulad ng ibang boss ng network na umiikot pa ang sagot. At higit sa lahat, hands on daw si Mr. Cojuangco sa lahat ng nangyayari sa shows ng Singko. – Reggee Bonoan