Aga, iniwan ang mga alagang bingi

Sayang at wala si Aga Muhlach, hindi nakadalo dahil sa karamihan ng commitment, sa isang pasasalamat at love offering ng mga deaf persons o mga bingi na bumubuo at sinasanay ng foundation na kanyang pinamunuan ng maraming taon, ang STEAMDPFI. Ang simpleng salu-salo ay ginanap nung Sabado ng gabi sa Aga Muhlach Centre na matatagpuan sa Sct. Tobias, QC.

Aga would have been proud of the hearing impaired na ang karamihan ay nagtatrabaho na sa Jollibee food chain na si Aga rin ang naging dahilan para ito magbukas ng pintuan sa mga bingi.

Kagaya ng kanyang plano, ipinagkaloob na ni Aga ang pamamahala ng STEAMDPFI sa mga bingi, sa pamumuno ni Cromwell Umali na ngayon ay nagtatrabaho na sa Office of the President, dun mismo sa Malacañang. Pero, hindi naman niya tuluyang iiwan ang foundation at ang mga kasapi nito. Palagi pa rin siyang nakahandang tumulong at magbigay ng kanyang advice o suggestions kapag kinailangan nila. Bilang chairman emeritus ng STEAMDPFI.

Samantala, nagsanga na ang STEAMDPFI. Mayro’n na ring nabuong dalawang organization, ang Family Support Group For The Deaf & Hearing Impaired, Inc. na binubuo ng mga magulang ng mga bingi at ang Change (Center for Health Advocacy, Networking, Governance & Empowerment, Foundation na binubuo naman ng mga doktor na magbibigay ng medical advisory and consultancy, student mentoring at resource mobilization program through events managements.

Sa tulong ng mga karagdagang organization na ito, higit pang mapagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng mga bingi na ngayon ay tinatanggap na ng mga nakakarinig bilang mga equals nila at colleagues.

Ito ang buod ng simpleng pasasalamat at pagdiriwang na ginanap nung Sabado.
* * *
Natupad na ang pangarap ni Michelle Ayalde na magkaro’n ng album. At ito ay inilunsad kamakailan lamang sa Dish sa ABS CBN na dinaluhan ng mga kasamahan niya sa trabaho, mga boss ng ABS CBN at Star Records at maging ng media.

Natagalan din ang pagkakaroon niya ng album dahilan sa kanyang kaabalahan, juggling school, recording, TV appearances, among other things. Pero, sulit din ang mahaba niyang paghihintay.

Ang self-titled album ay naglalaman ng 11 tracks na nagpapakita ng kanyang wide vocal range.

Ang first single nito ay ang "Mamahalin Kita Kahit Na" na ngayon pa lamang ay most requested na sa radyo.

Sa
ASAP Mania na kung saan ay nabigyan siya ng magandang exposure bilang bahagi ng grupong Full Circle siya napansin ng Star Records. Bago ito, kumuha siya ng atensyon nang kantahin niya ang sikat na "The Love You Want", love theme mula sa Meteor Garden. Naging mas sikat pa ito sa orihinal na Taiwanese song.

Ang talino ni Michelle sa pagkanta ay muling kinilala nang mabigyan siya ng nominasyon sa
l7th Awit Awards para sa Best Performance By A New Female Recording Artist. para sa awiting "The Love You Want".

Ang iba pang tracks sa kanyang album ay ang :"Kay Tagal", "Ayoko Na Sana", "Isang Ulit Man Lang".
* * *
Akala ko magiging panandalian lamang ang pagkagusto ng tao sa mga crystals & beads. Pero, katulad ko rin pala sila na mas umiigting ang pagkagusto rito habang lumilipas ang panahon. Bakit nga naman hindi, eh kahit napakamamahal nito, tila walang pahahon ang mga snatchers dito. Siguro dahilan sa hndi nila ito maipagbbli at hindi nila makukuha ng buo dahil sasabog ang mga ito oras na mapatid ang tali na umiipon dito. Buti nga!!!

No wonder patuloy ang pamamayagpag ni Joy Lim, ang tinataguriang Crystal Queen. Pero, kasi si Joy may knowledge sa mga powers ng mga crystals. Hindi gaya ko na oido lamang ang alam sa mga ito.

Dahil may lahing Intsik siya. At dumarami ang celebrity endorsers niya. (Kris, Korina, Bayani, Willie, Andrea Bautista, Ara Mina,at mga movie writers. At bukod sa mga bracelets, necklaces, mayro’n na rn siyang anklets and bags. Endorsers ng mga huling dalawang banggit ay sina Maja Salvador at Mickey Ferriols

Alam ni Joy ang healing power ng mga crystals niya, ang good fortune na ibibigay nito, ang pagtataboy nito ng mga neagtive vibes. Kaya naman, sinusugod ang mga tindahan niya ng Charms & Crystals International . Pahuhuli pa ba kayo? May mga presyo siya na pang-estudyante lamang.

Show comments