Maiiwan dito ang mag-ina pero, bago mag-Pasko ay muli silang magkakasama.
Niliwanag ng aktres na ang kanyang pagbabalik ay hindi dahil sa may alok sa kanya ang Regal Films para sa MMFF 2004 entry nito ang Mano Po 3.
"Nothing is sure yet about the movie. Pag-uusapan pa namin yan ni Mother Lily," sambit ng nagbabalik na aktres na ang balita noon ay kasama rin siya sa Mano Po 2, hindi lang ito natuloy dahil may mga internal matter na hindi napagkasunduan.
Di maiwasang itanong sa aktres ang hindi nito pag-uwi nang mamatay ang kanyang ama, the late Ricky Belmonte.
Ayon sa kanya, nang isilang nito ang kanyang baby ay kailangang ibalik ito sa hospital pagkatapos ng isang linggo dahil na-dehydrate ito. Bilang mga bagong magulang at first time magka-baby pagkaraan ng limang taong pagsasama, masyado silang nataranta at hindi alam ang kanilang gagawin lalo na nang walong onsa ang nawala sa timbang nito. Dito dumating ang balitang pumanaw ang kanyang ama. Kung siya ang masusunod ay gusto nitong makauwi agad pero, hindi ganoon kadali ang lumipad pauwi sa bayang pinagmulan. Nataon din ito sa outbreak ng dengue fever dito sa atin kaya hindi niya malaman kung isasama niya ang kanyang anak na tatlong buwan pa lamang noon. Hindi naman pwedeng iiwan niya ito dahil nagdedepende ang baby sa gatas niya. Mahirap para sa kanya ang magdesisyon nun kung uuwi siya dahil baka naman malagay sa panganib ang kanyang baby.
Isinama ng loob ni Sheryl na agad siyang pinaparatang ng mga bagay na hindi alam ang punot dulo. Kung hindi man siya naging perpektong anak ay naging masunurin naman siya sa kanyang ama at hanggang sa huling hininga ng kanyang namayapang ama ay nandoon pa rin iyong pagmamahal at respeto nito. "Its still her and it hurts. Alam ko sa puso ng dad ko at sa isip niya na hindi naman siya galit sa akin at alam kung maunawaan niya ako wherever he is."
Nabanggit nito na ang unang prayoridad nito sa kanyang pagbabalik ay dalawin ang puntod ng kanyang ama pero lumipas na ang tatlong araw ay hindi pa siya nakadalaw dahil sa maraming bagay na dumarating sa kanya at kailangan niya itong gawin at harapin. "I will do it soon but with the traffic, Ill choose the best day para walang hassle sa pagdalaw ko sa dad ko." Alex Datu