Nalaman din namin na kapag may sama ito ng loob o problema ay dumadalaw siya sa puntod ng nobyo sa Loyola Memorial Park at doon ay waring nagsusumbong o inihihinga ang sama ng loob lalo na kapag nalalagay sa intriga. Would you believe na madaling araw kung siyay pumunta sa sementeryo kasama ang manager at ang alalay?
Sa Sigaw na entry sa Metro Manila Film Festival ay nobya siya ni Richard Gutierrez na napakaselosa kaya sinasaktan ng mga multo na naninirahan sa bahay ng aktor. Maganda ang working relationship ng dalawa at malambing din si Richard kay Angel kaya hindi kami magtataka kung ma-develop sila sa isat isa.
"Paano naman si Dennis Trillo?" tanong namin.
"Pareho ko silang kaibigan Tita dahil pareho silang mabait kaya close sila sa akin. Ayaw ko pang magmahal at gusto kong mag-concentrate muna sa aking pag-aartista. Minsan lang dumating ang magagandang oportunidad sa aking buhay kaya ayaw ko itong pakawalan. Makakapaghintay naman ang pag-ibig sa tamang panahon," anang aktres.
Naka-concentrate rin si Regine sa kanyang garment business at dance studio. Naniniwala kasi ito na hindi naman pangmatagalan ang kita sa showbiz kaya pangarap ding maging fulltime choreographer.
Kahit abala sa showbiz commitment at negosyo ay personal pa rin itong nag-aasikaso sa dalawang anak na sakaling gusto nilang pasukin ang pag-aartista ay payag naman si Regine.
Kahit magkahiwalay sila ni Lander Vera Perez ay maganda pa rin ang kanilang pagsasama at tuwing sumasapit ang kaarawan ng aktres ay ang asawa pa rin ang nag-o-organize ng party para sa kanya.
Nanalo rin ang pelikula ng award para sa Best Cinematography at naging nominado rin para sa Best Director.
Ang Jan Dara ang pinakamapangahas na pelikula tungkol sa sagarang pagkamulat ng isang batang lalaki. Maraming kritiko ang humanga sa pelikula kahit puno ng sex.
Hindi naman siguro ito naghahanap ng mga lalaking nagdaraan dahil may papa naman at alam ito ng sikyu. Pero nagtataka ito kung bakit gabi-gabi ay napagtitripang umupo sa hagdan. Natsismis noon na naging drug user ang aktres kaya naitanong tuloy ng sikyu sa sarili kung di kaya gumagamit uli ito ng pinagbabawal na gamot?