^

PSN Showbiz

Lara kasama ang bf sa pagbisita sa 'Pinas

- Veronica R. Samio -
Isang taon na ring wala sa bansa si Lara Fabregas matapos silang maghiwalay ni Raymond Bagatsing.

Umalis ito para pumunta ng London nung Hunyo ng nakaraang taon para pumasok sa isang acting school.

Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Life Sciences sa Actor’s Centre na susundan niya ng Dietetics and Nutrition.

Babalik si Lara ng bansa para sa isang maikling bakasyon. Kasama niyang darating ang kanyang bagong boyfriend, isang Scottish na nagngangalang Philip. Sampung buwan na ang kanilang relasyon.

Isang international investment banker si Philip. Nakarating na si Lara sa kanyang bansa ng ilang ulit. Pinaka-latest yung sa Aberfoyle, na kung saan kuha ang nakalagay na larawan dito ni Lara. Nakilala na ni Philip ang ina ni Lara. Ang pagbisita nila rito ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon na makilala ang ama nito, si Jimmy Fabregas at mga kapatid nito.

Sa London, nagtrabaho si Lara sa isang restaurant at lumabas sa TV, sa BBC. Habang naririto, lalabas ito sa isang play kasama si Bart Guingona na produced ng Actors Actor.

Matatawagan si Lara sa pamamagitan ng kanyang manager na si Bibsy Carballo, 7267164/09178991835.
*****
Tuloy ang pagpapalabas ngayong gabi ng Secrets, ang pinaka-daring na talk show sa TV na ang host ay si Juliana Palermo. Mapapanood ito tuwing Martes at Huwebes , 9:30 NG, ABC5.

Matapos ang kanyang pagiging isang sex columnist sa isang magasin, sa TV naman ibabahagi ni Juliana ang kanyang kaalaman sa sex, sa isang palabas na hindi lamang nakakaaliw kundi nagbibigay pa rin ng mahahalagang impormasyon sa business, politics, sports at entertainment .

"I’m honored to be part of the show. It’s not the typical talk show you often see on TV and I love it. The first time I saw the preview, I said wow, ganda."

Tampok sa
Secrets ang mga sumusunod:

"Hot Tub." Kakausapin ni Juliana ang lahat niyang panauhin habang siya ay nasa isang bath tub.

"For Adults Only". Review ng mga adult films, books, music at iba pang adult entertainment.

"Hot Flash". Tampok ang latest and hottest fads, gadgets (sexy lingeries, hot cars, cellphones, furnitures at gamot na nagpapalakas ng sexual prowess).

"Canned Thoughts". Mga adults na nagsasabi ng kanilang opinyon sa buhay, pag-ibig at sex.

"Night Calls". Sasagot si Juliana sa mga e-mails, letters, messages mula sa mga fans na may mga problema sa sex o kaya magbibigay ito ng payo tugkol sa problema sa pag-ibig.

vuukle comment

ACTORS ACTOR

BART GUINGONA

BIBSY CARBALLO

CANNED THOUGHTS

DIETETICS AND NUTRITION

FOR ADULTS ONLY

ISANG

JULIANA

LARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with