^

PSN Showbiz

Bayaning Pinoy sa Africa

-
Bagong bayani kung ituring ang mga kababayan nating manggagawa na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa kanilang pagsasakripisyo at pakikipagbuno sa hirap at lungkot ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay ay nagagawa nilang makapagpadala ng dolyar na panustos ng kanilang pamilya. Ngunit hindi rito natatapos ang pakahulugan sa mga bayani nating nangingibang bansa.

Bibigyang pugay ni Kara David at ng buong grupo ng I-Witness ang mga Pilipinong lumalabas ng bansa hindi upang kumita ng dolyar bagkus ay nakikipagsapalaran sa ngalan ng serbisyo at bolunterismo.

Ipakikilala ni Kara ang daan-daang mga Pilipinong hindi lamang nagpupunta sa malalayong barangay sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa upang magsilbi sa mga nangangailangan. Partikular na pagtutuunan ng pansin ang tatlong Pilipinong boluntaryo sa disyerto ng Namibia sa Africa na kung saan hirap sa pagkain, tubig at sa patuloy na pagkalat ng HIV-AIDS ang mga tao rito.

Susundan sila ng I-Witness upang maipakita ang kanilang sakripisyo, ang hirap na kanilang dinaranas, ang peligrong dulot ng "landmines" at ang kakaibang kaligayahang nakukuha nila sa serbisyong ito.

Makikita rin kung gaano kalaki ang naidudulot nilang pagbabago sa mga mahihirap na komunidad, rason upang ituring sila ng mga tao roon bilang mga bayani.

Saksihan kung papaanong sa gitna ng dilim ang mga boluntaryong Pilipino ang nagsisilbing ilaw ng pag-asa ngayong Lunes sa I-Witness pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

BIBIGYANG

I-WITNESS

IPAKIKILALA

KARA

KARA DAVID

MAKIKITA

NAMIBIA

NGUNIT

PILIPINONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with