Nakakapanood kami minsan ng nasabing sitcom at halata nga ang minsang pagka-tuliro ni Pilita. Kapag sabay-sabay nang nagsasalita sina Joey Marquez, Raymart Santiago, Benjie Paras at Richard Gomez na gumaganap na kanyang mga anak, ngarag na siya.
Ang tsika sa amin, si Tessie Tomas ang papalit kay Pilita pero, hindi na bilang ina nina Joey dahil tumatak na sa viewers na siya si "Mamita." Matagal nang gustong mapasama uli sa isang sitcom ni Tessie at kung siya na nga ang papalit kay Pilitay dream come true ito sa kanya.
Beautiful cast ang bumubuo sa Joyride mula kina Cogie Domingo, Mark Herras, JC de Vera, Rainier Castillo, Dion Ignacio, at Warren Austria hanggang kina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Julianne Lee, Sheena Halili at Katrina Halili.
Magkasama rito ang tunay na mag-on na sina Rainier at Sheena pero, sabi ni Sheena, hindi pa niya alam kung sila ang pagtatambalin. If ever, hindi na mahihirapang magpakita ng sweetness si Rainier dahil girlfriend niya ang kanyang ka-love team.
Ipinakikilala rin ang tambalan nina Warren at Katrina and they make a lovely pair. Hindi kami magugulat kung magka-developan sila, ito ay kung wala silang karelasyon ngayon.
Nagtampo na minsan si Tyrone Perez sa istasyon nang i-pareha si Katrina kay JC de Vera sa Love to Love dahil inagawan daw siya ng ka-loveteam. Sila nga naman ang magkapareha sa StarStruck, tapos ngayon, sa ibat ibang young actor na itinatambal ang ka-loveteam.
Kakausapin din sana ng friend namin ang manager ng Side A Band dahil second favorite band ito ng kanyang relative. Na-shock uli siya dahil P250,000 daw ang talent fee nito. Nang huli naming makausap, naghahanap ng ibang banda ang friend namin and hopefully, makakuha siya bago dumating ang debut ng kanyang pamangkin.
Disappointed at frustrated ang debutante dahil hindi nakuha ang two favorite bands niya. Pero, kung kakagatin ang hinihingi nilang talent fee, parang sa kanila na lang mauubos ang budget for the whole party.
Heto na ang nakakaloka! After the interview, nag-dialogue ang comebacking actor na hihintayin niya ang article na isusulat ng movie journalist tungkol sa kanya. Obviously, sa pangalan lang kilala ng comebacking actor ang movie journalist at hindi nito alam kung saan ito nagsusulat dahil iba ang binanggit niyang newspaper.
In fairness, hindi nagtaray ang movie journalist na ibang newspaper ang binanggit ng comebacking actor. Hindi rin nito kinorek ang comebacking actor, nakangiti nitong tinapos ang interview.
Ibinigay ang award sa Pre-Awards ceremony ng 13th KBP Golden Dove Awards na ginawa sa Dusit Hotel noong July 21. Ang Grand Awards Night ay sa August 31 sa CCP Little Theater.
Ise-celebrate pala ng RX 93.1 ang kanilang Anniversary Month with its theme na Turning 21. Marami silang mga bagong handog sa kanilang listeners gaya ng Radio Idol, RX Band Breakout at ang bagong show na Indie Ground.