Kawawa naman ang mga independent producers kung hindi mag-wi-withdraw ng 2 entries ang Regal sa MMFF!

Kapag napilitan si Mother Lily Monteverde ng Regal Films na mag-withdraw ng dalawa sa kanyang mga entries na nakasali sa 2004 Metro Manila Film Festival, magkakaroon pa ng pagkakataon ang ibang producers na maipalabas ang kanilang pelikula sa panahong pinakamalakas ang takilya.

Ang Metro Manila Filmfest na kasabay sa Kapaskuhan ay palaging dinudumog ng mga manonood. Sa 10 araw na film fiesta, wala pang mga foreign movies na kalaban, kaya’t nagpipista talaga ang mga pelikulang Pinoy sa takilya.

Ang napili kasi ng screening committee ng festival, apat ang mula sa Regal at mga satellite companies nito. Lahat ng mga taga-industriya alam na ang Que Sera Sera (Regal), Mano Po 3 (MaQ), Sigaw (Megavision) at Aishite Imasu 1941 (BasFilm) ay pawang mula sa mga kumpanya ng mga Monteverde.

Maliwanag na nilabag ang kasunduan sa festival na hanggang dalawa lamang ang maaring makasali na galing sa isang movie company at iba pang kumpanyang hawak din nito.

Walo lamang ang official entries sa festival. Ibig sabihin magiging 50 percent ng mga lahok ang dodominahan ng Regal at mga kasamang kumpanya, kung sakaling papayagan sila.

Kung magkakaroon ng delikadesa si Mother Lily at hindi na isasali ang dalawa pang pelikula, magkakaroon ng pagkakataon ang Violett Films na makapasok sa festival.

Alam natin na ang Violett Films ang producer ng multi-awarded na Magnifico na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa mga prestigious international film festivals. Nagkamit na ng 52 awards ang pelikula ni Maryo J. Delos Reyes.

Umaasa ang Violett Films na makakasali ang kahit isa sa dalawa nilang entries. Isa dito ang Black Eye na dinirek ni Maryo J. at sinasabing higit na maganda ang istorya kaysa Magnifico.

Kung sakaling makapasok ang Violett Films, meron pang matitirang isang puwang para sa isang independent producer na tulad ng Violett Films.

Sana malutas na agad ang problemang ito at maging mapagbigay sana si Mother Lily Monteverde sa kapakanan na rin ng buong industriya ng pelikula.

Ang Regal Films naman ay isa ring independent film company noon. Naranasan ni Mother Lily ang maging tulad ng mga maraming producers na nagsisikap mag-survive sa isang industriyang palaging hindi tiyak kung babalik pa ang malaking halagang pinuhunan.

Ang pagbibigay ng encouragement at suporta sa mga independent producers ang isa sa mga tiyak na.

Show comments