Ayon sa isang reliable source ay bata pa ang aktor ay nakita na ang kabadingan nito kung saan minsan ay naiwan siya sa kanilang bahay ng kanyang ina at dalawang kapatid.
May nakalimutan daw ang ina nito kaya bumalik ng bahay at nakita sa kanilang kwarto ang batang aktor na nagme-make-up. Sa galit ng ina ay napalo nito ng husto ang anak na ngayon ay isa nang sikat na aktor na magaling ding umarte.
Nanggaling ang aktor sa angkan ng mga artista.
Kapag nagteteyping ang dalawa ay halata ang pagiging concerned ng aktor sa magandang singer.
Pero ayaw magbigay ng comment ang dalawa hinggil sa pagkakamabutihan nila at sinabing magkaibigan lang sila.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang komunikasyon nina Dingdong at ang rumored gf nito na si Antoinette Taus na nasa Tate.
"Akala mo naman kung sino siya (patungkol kay Ethel). Eh! mukha naman siyang sandok" anang kapitbahay namin na fan pala nina Perla Adea at Romy Mallari na sikat noon sa The Sensations.
Inaakala marahil ni Ethel na nakakatuwa ito pero may nasasagasaang tao, di ba?
Tahimik lang ang lovelife ng young actor kahit inili-link siya kay Katarina Perez. "Magkaibigan lang kami at hindi ko siya nililigawan. Parang magkapatid lang ang turingan namin sa isat-isa," sey nito.
Halos wala nang pahinga si Jenny sa taping ng mga shows gayundin sa syuting ng Que Sera Sera kung saan anak siya ni Kris Aquino sa movie.
Excited nga itong makatrabaho ang magaling na tv host dahil tagahanga siya nito. May mga mall shows pa rin ang magandang aktres para sa promosyon ng kanyang debut album under GMA Records.