Tintin,Julius writer at illustrator ng isang children's book
August 13, 2004 | 12:00am
Ngayong Sabado (August 14) ng alas-9 ng gabi na ang bagong intimate concert na produced ng Royale Era Entertainment ni Ruffa Gutierrez-Bektas na pinamamahalaan ng kanyang inang si Annabelle Rama. Pinamagatang Fantasy and Harmony na pangungunahan ng Total Entertainer na si Rico J. Puno at Ara Mina at kung saan special guest performers ang Sex Bomb Girls, Jeni Hernandez kasama ang Viva Hot Babes na sina Alyssa Alano at Ana Leah Javier, ang bagong aktres na si Maricar, Rose Valencia, Leizle Lorin at kung saan naman may special participation ang sexy star na si Joyce Jimenez.
Ang nasabing show ay gaganapin sa Ballroom ng The Dusit Hotel Makati. Bago ang show, magkakaroon muna ng cocktails sa ganap na ika-7:30 ng gabi. Si Ogee Atos ang fashion director habang si Gerry Matias naman ang tatayong musical director.
Tatlong linggo na lamang ang nalalabi sa programang All Together Now na tinatampukan nina Christopher de Leon, Johnny Delgado, Edgar Mortiz at Pops Fernandez at kung saan tampok din sina Angel Locsin, Drew Arellano, Margaret Wilson, Sherilyn Reyes, Gene Padilla, Ethel Booba, Francine Prieto, Mark Herras at Jennylyn Mercado. Itoy pinamamahalaan ng veteran director na si Al Quinn.
Syempre pa, tiyak na malulungkot ang bumubuo ng cast dahil bukod sa napamahal na sa kanila ang programa, nakapag-bonding sila dahil linggu-linggo ay magkakasama sila sa taping. Actually, pinanghihinayangan namin ang programa at ang bumubuo ng cast. Ang problema sa All Together Now ay ang titulo at script mismo.
Since buo pa rin naman ang tambalan nina Boyet, Johnny at Bobot, sana ibalik nila yung ala-Bad Bananas style na talaga namang tinangkilik ng mga manonood ng matagal na panahon. Although malapit nang mamaalam sa ere ang All Together Now, wala pa kaming alam kung anong programa ang ipapalit dito.
Mag-iisang taong kasal pa lamang sa December 8 ang mag-asawang Julius at Tintin Bersola-Babao pero planadung-planado na ng mag-asawa ang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Bago nagpakasal ang dalawa, nagpagawa muna si Julius ng magarang bahay kung saan sila nakatira ngayon. Ngayong buntis na si Christine sa kanilang magiging unang supling na nakatakdang lumabas sa buwan ng Pebrero sa isang taon, ang paglabas naman ng kanilang baby ang kanilang pinaghahandaan.
Pero sa kabila ng kanilang pagiging abala bilang mga TV personalities, naisingit pa rin ng mag-asawa ang una sa serye ng childrens book na ilalabas ng Goodwill Bookstore. Pinamagatang Bryan Learns His Lesson. Isa itong 36-page colored book ng isang batang lalaki na isinilang sa may kayang pamilya. Lahat ng luho ng bata ay sinusunod ng kanyang mga magulang. Pero sa kabila ng kanilang pagiging abala sa kanilang mga negosyo ay naglalaan sila ng quality time para sa kanilang anak. Palibhasay spoiled ang batang si Bryan, hindi nito sinusunod ang kanyang mga magulang hanggang sa ang katigasan ng ulo ni Bryan ay magwakas nang itoy magkaroon ng isang masamang panaginip at dito siya nagising sa kanyang masamang ugali. Kung si Tintin ay may knack for writing, si Julius naman ay nagpakitang gilas sa pagiging mahusay mag-drawing na una niyang napansin nung 13 anyos pa lamang siya. Lingid sa kaalaman ng marami, tuwing Biyernes Santo ay nagdu-drawing si Julius ng mukha ng ating Panginoong Hesukristo na naging panata na niya sa tuwing sumasapit ang Mahal na Araw.
Ang mag-asawa ay dalawa sa maituturing naming malapit na kaibigan at nasubaybayan din namin ang dalawa nung magkasintahan pa lamang sila. Perfect couple ang taguri namin sa dalawa dahil bukod sa silay mag-asawa, theyre also the best of friends kaya matatag ang kanilang pagsasama.
Samantala, ang launching ng Bryan Learns His Lesson ay gaganapin ngayong Linggo, August 15, 4-6 p.m. sa ika-25 taon ng Manila International Book Fair sa Goodwill Pavilion ng World Trade Center Manila, Financial Center Area sa Sen. Gil Puyat, Roxas Blvd., Pasay City.
<[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am