Vanessa, nagbabakasyon lang sa 'Pinas,di na umuwi ng Bahrain

Isang katuwaan lamang para kay Vanessa Khain at mga kaibigan niya ang pagsali nito sa To The Max na kung saan ay isa siya sa dalawang nanalo (ang isa pa ay si R U Miranda). Bahagi ng kanyang premyo ang pagkakasali niya sa Viva Hot Babes.

Nineteen years old lamang si Vanessa, limang taon nang pabalik-balik sa Bahrain at Pilipinas para magbakasyon. Taun-taon ay ginagawa niya ito dahil ang kanyang ina ay isang Pinay na napangasawa ng kanyang ama na isang Arabo.

Kung hindi summer, ay sa Pasko siya pumupunta rito. O kaya ay Mahal na Araw. Nitong huling punta niya ay nagkayayaan lamang sila ng mga kaibigan niya na sumali siya sa To The Max ng ABS CBN. Nanalo naman siya dahil bukod sa kumakanta siya at sumasayaw ay napakaganda rin ng kanyang mukha at pangangatawan.

Ulila na sa ama si Vanessa na nung nabubuhay pa ay buy and sell ng mga buildings ang negosyo. Ang kanyang ina naman ay palaging nangingibang bansa dahil bumibili ito ng mga signature clothes para ipagbili sa Bahrain na kung saan sila namimirmihan. Dahilan sa nasa edad na siya kung kaya hindi na siya humingi ng permiso sa kanyang ina para maging bahagi ng Hot Babes. Pero, ipinaalam na niya rito ang trabaho niya.

Graduate ng tourism si Vanessa sa isang unibersidad sa Bahrain. Nag-iisa lamang siyang anak. Nakakapag-salita siya ng limang lengwahe –Arabic, English, Tagalog, Indian at Persian. Gusto niyang matuto ng Cebuano.

Araw-araw ay walang ginawa kundi mag-swimming si Vanessa. Ang mga beaches natin ang naging malaking atraksyon para siya madalas na pumunta at magbakasyon dito. Magaling din siyang figure skater. Sa Bahrain ay marami siyang competition na napanalunan sa figure skating. Marami siyang trophy na makakapagpatunay nito.

Sa mga Hot Babes, pinaka-close siya kay Andrea del Rosario.
* * *
Nainggit ako nang mapanood ko ang Jan Dara, isang period movie na Thai at napakasimple lamang ng istorya, tungkol sa pagkakamulat ng isang kabataang lalaki sa kamunduhan. Si Jan Dara na dahil pinalayas ng kanyang ama sa kanilang tahanan nung siya’y 13 taon lamang ay nagbalik pagkaraan ng ilang taon para maghiganti rito. Nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang stepmother, stepsister na pinakasalan niya at isang kababata na walang muwang sa kamunduhan. Sinadya niyang ipakita sa ama ang pakikipagtalik niya sa mga ito para ipakita rito na mas magaling siya. Bandang huli, nanlumo siya sa naging resulta ng kanyang paghihiganti.

Nainggit ako dahil patuloy na namamayagpag ang mga pelikula at teleserye ng mga kapwa natin Asyano dito sa atin samantalang tinatanggap na natin ang pagkamatay ng industriya ng ating pelikula.

Nakakagawa rin tayo ng pelikula na katulad ng
Jan Dara, na may mga explicit love scenes kaya naman ito binigyan ng R18 na rating ng MTRCB pero, hindi nakababad sa mga ganitong eksena ang pelikula. Napaka-metikuloso rin ng pagkakagawa ng disenyo na pang- produksyon dahil ang istorya ay naganap nung 1930s.

Hindi ko kilala ang mga gumanap (
Vipavee Charoenpura, Suwinirtr Panjamawal at Miss HK Christy Chung) pero, sinasabing mga magagaling ito sa Thailand, lalo na ang direktor nito na si Nonzee Nimibutr na talagang lumalaban sa ibang bansa ang mga pelikula.

Show comments