Buhay ng isang aso sa 'Magpakailanman'

Mabuti na lang at late kaming dumating sa party ng Viva Hot Babes na ginanap sa Dish na nasa loob ng ABS-CBN last Tuesday night kaya’t hindi kami nahainan ng ‘panis’ na pansit bihon.

Kaya pala sangkaterbang platong pansit ang nakahain sa mesang inupuan namin dahil hindi pala ito makain ng mga kasamahan namin sa panulat dahil nagdidikit-dikit na raw.

"Ito rin yata ang inihain sa presscon ng Maid In Heaven ng Dos kaninang tanghali?" bulong sa amin ng aming kasamahan.

Kinausap naman daw ang waiter na nag-served ng mga pagkain, pero dedma lang ito kaya naman agam-agam din kami na baka hainan kami ng panis na pansit.

Pero ang publicist ng Viva Entertainment na si Ferlin Buenviaje na ang humingi ng dispensa sa nangyari.

Nasorpresa kami dahil pagdating sa amin ng pagkain ay bagong luto ito at umuusok pa, nu’ng tikman namin ay masarap naman kaya’t naubos namin ito. Nagtaka lang kami kung bakit panis ang ibang inihain, di kaya umaga pa niluto ‘yun at nu’ng may magreklamo ay saka lang nagluto uli ng bago?

Naloka lang kami dahil kilalang restaurant ang Dish, pero tila hindi maayos ang service nila sa customers.
* * *
Grabe na talaga ang kasikatan ni Saver, the wonder dog na pinasikat ng Sis dahil nagka-interest ang management na gawin ang buhay ni Saver sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco kasama ang amo ni Saver na si Mr. June Lizarte.

Maganda pala ang kwento nina Mang June at Saver, may malalang sakit pala noon si Mang June at sa katunayan ay namatay na ang kalahati ng katawan niya, ang alagang si Saver lang daw ang nag-alaga sa kanya, ang matiyagang sumasama sa kanya sa therapy at dahil dito ay nabuhayan ng loob si Mang June na magpagaling at ibalik ang pabor kay Saver.

Kaya naman ngayong malakas na si Mang June ay nagmistulang anak na niya si Saver dahil iniligtas nito ang buhay niya.

Malalaman lahat ang magandang kwento nina Saver at Mang June sa Magpakailanman one of these days, kaya dapat maging moral lesson ito sa mga kumakatay ng hayop o aso, manginig naman kayo.
* * *
Aliw na aliw kami sa kwentuhan ng dalawang aktor na magkasama sa isang gag show dahil bidahan sila ng bidahan tungkol sa isang sexy star na naka-one night stand nila.

Si aktor A ay nakasama si sexy star sa isang mamahaling motel at nagkwento kung gaano ito kahusay sa kama.

Si Aktor B naman ay ibinida ring magaling ang nakasama niya sa dressing room ng istasyong pinagtatrabahuhan niya.

At nang banggitin nila ang pangalan ng sexy star ay nagkagulatan sila dahil iisang sexy star pala ang nakasama nila sa magkasunod na gabi. Ang naturang sexy star ay miyembro ng kilalang grupo ng mga sexy stars. Sayang nga lang at wala siya sa party ng grupo kamakailan, di sana naitanong namin. Reggee Bonoan

Show comments