Simula pa lang ng pelikula, maaaliw ka na. Na-establish ang kakaibang karakter nina John Lloyd at Bea. Maganda rin ang scoring at editing ng movie, mabilis. At tulad ng inaasahan, maganda ang direksyon ni Laurenti Dyogi at feel good naman ang pagkakasulat ni Jose Javier Reyes.
Mahusay si Nikki Valdez sa kanyang role bilang bestfriend ni Bea. Kahit sina Kenneth Peralta, Lui Villaluz ay pawang mahuhusay. Okey din ang performance nina Roxanne Guinoo bilang ex-girlfriend ni John Lloyd at si Neri Naig bilang girl na naging kaibigan ni John Lloyd.
Present din sa premiere night ang iba pang cast ng movie na sina Hyubs Azarcon at Noel Colet.
Natuwa ang cast sa suporta ng ibat ibang tao sa movie. In full force ang Star Cinema at ABS-CBN bosses na sina Malou N. Santos, Olivia Lamasan, Johnny Manahan, Mariole Alberto, Beverly Fernandez, Tess Fuentes, Elma Medua, Tammy Bejerano, Angie Pineda, Dory Jacila at iba pa. Pati ang SCQ Reload stars na sina Sandara Park, Joross Gamboa, Joseph Bitangcol, Melissa Ricks at Raphael Martinez. Pati ang TV Idol finalist na si AJ Dee.
Nakasuporta rin ang mga direktor na sina Don Cuaresma at Lino Cayetano. Pati ang mga taga-drama department ng ABS-CBN na sina Mel Mendoza-del Rosario, Maru Benitez, Anna Goma, Ginny Ocampo at Grace Ann Casimsiman.
Showing na today ang Now That I Have You. Incidentally, the movie has been rated B by the Cinema Evaluation Board.
Dahil nga nagdadalang-tao na, maraming kailangang iwasan si Mylene. She has already stopped smoking. Hindi na rin siya umiinom at nagbawas siya ng work load.
Immediately, noong nalaman ni Mylene na nasa interesting stage siya, nagpasabi na ito sa production ng Mid-summer Nights Dream na titigil muna siya sa pagganap. She plays Puck sa nasabing stageplay.
Kahit si Paolo, ganon din. Nag-quit na rin mag-smoke. Nakasuporta ito kay Mylene.
Sa presscon ng Maid In Heaven, kung saan cast si Paolo, tinanong ko kung ano ang plano nila ni Mylene. Alam na raw ng kanyang parents.
"Sa ngayon, I have to be there for Mylene," says Paolo. We have not talked about other matters but were bit excited sa baby."
Sa ngayon, ani Paolo, kailangan niyang kumayod ng todo dahil magiging ama na siya. Kaya nga laking pasasalamat niya na napasama siya sa Maid In Heaven, isang regular show.
Sa simula, maganda ang takbo ng pagmamahalan nina Sylvia at Ted. Hanggang sa mabuntis, nawala ang passion ni Sylvia sa pagsusulat na naging dahilan para manlamig sa kanya si Ted. Habang nalolosyang si Sylvia sa pagiging isang ina, ay inaani naman ni Ted ang paghanga ng publiko, kasama na ang admiration ng mga babae.
Dahil hindi kinaya ni Sylvia ang pagloloko ni Ted, nagpakamatay si Sylvia. Tragic ang death ng ating bida.
Ang Academy Award winner na si Gwyneth Paltrow ang gumanap bilang Sylvia. Si Daniel Craig naman bilang Ted Hughes. Si Christine Jeffs ang nagdirek ng Sylvia. Si Jeffs ay umani ng papuri sa Directors Fortnight sa 2001 Cannes Film Festival para sa pelikulang Rain.
Karamihan sa mga librong nasulat ni Sylvia Plath ay ginagamit sa poetry and literary classes sa ibat ibang schools. Ang Megavision ang distributor ng Sylvia sa Pilipinas.