Napatunayan ko ito nang dumalo ako sa Hoorah Party ng Viva Hot Babes na ginanap sa Dish sa ABS CBN nung Martes ng gabi. Unusual sa lugar na walang madaanan dahil halos magkakadikit na ang mga lamesa. Marami pang naghihintay na makapasok sa labas.
Selebrasyon ng Hot Babes ang gabing yon dahilan sa matagumpay na pagkaka-release ng kanilang "Kikay" album. Second edition na rin ng Hotstuff magazine na naglalaman ng mga lumalagablab na kontrobersya at larawan.
Bagaman at masasabi ko na mas magaganda ang mga orihinal na Hot Babes na binubuo nina Andrea del Rosario, Katya Santos, Gwen Garcia, Kristine Jaca, Myles Hernandez, Hazel Cabrera, Jen Rosendahl at Sheree hindi pahuhuli sa kaseksihan ang mas nakakabatang New Wave Hot Babes na sina Jennifer Lee, Asia Agcaoili, Alyssa Alano, Maia Majendra, Vanessa Khain, Anna Leah Javier, Jaycee at Ella Villanueva.
Masaya ang lahat. Nagsilbing emcee sina Asia Agcaoili at DWRR DJ na si China Hart. Pinaunlakan ng mga Hot Babes ang kanilang mga supporters, lalo na kapag nananalo ang mga ito sa ginagawang paligsahan. May premyo na sila ng mga albums at posters ng mga Hot Babes, may libre pa silang halik. Kahit saan payag magpahalik ang Viva Hot Babes. Kakatuwang ang mga lalaki ang umaatras at nagsasabing sa pisngi na lamang sila hahalik samantalang may mga mapangahas na nakahalik sa boobs, sa pwet at maski na sa pusod ng Hot Babes.