Maswerte si Judy Ann dahil magiging pang-apat niyang pelikula ang Mano Po 3 sa taong ito. Nauna na rito ang I Will Survive, Sabel at ang on-going movie production ng Aishite Imasu, 1941. Maliban dito ay may nakalinyang pelikulang Aga Muhlach-Regine Velasquez-Judy Ann mula naman sa Viva Films.
Sa panahon ngayon, kasalanan ang mamili at tumanggi ng proyekto dahil mahirap kumita ngayon ng pera. Alam ng manager ni Juday na nakatakdang kalahok ang Aishite Imasu 1941 na katambal ni Juday si Raymart Santiago pero, tinanggap pa rin nito ang Mano Po 3.
Ang rason ni Tito Alfie, sa pagtanggap ng mga proyekto na intended for MMFF ay mabuti na iyong maraming pagpipilian. Paniniguro lang daw ang ginagawa ngayon ni Mother Lily dahil gusto nitong kahit isang movie entry ay makapasok sa MMFF Philippines 2004.
Maraming nagtatanong sa pamamagitan ng text messages kung ano na ang magiging kapalaran ng movie ni Juday na kasama sina Aga at Regine ngayon, sabay ginagawa ng aktres ang dalawa nitong entry movie maliban sa kanyang regular taping ng BKK. "Why should we wait sa movie na hindi natin alam kung kailan sisimulan? Matagal nang nakaplano yan pero sorry, mahirap mabakante ang aming alaga kaya tinanggap na namin ang Mano Po 3," paliwanag ni Tito Alfie.
Na-touch daw ang aktres sa gesture ng mga fans niya na naniniwalang kahit hindi siya ang naproklamang nanalo ay siya pa rin ang best actress para sa kanila. Basta sa kanya, nagawa niyang lahat para sa Sabel at nagpapasalamat siya dahil na-appreciate ito ng nakararami.
ALEX DATU