Rachel, sa isang unwed father dapat magpakasal

Sayang at after ng launching ng latest album ni Rachel Alejandro, "Heart’s Desire," lumipad sila ni Geneva Cruz papuntang Amerika para mag-show for a month. Maganda pa naman ang latest album ni Rachel na nagkaroon ng launching last Monday night.

Once ko lang siyang napanood, nang mag-guest siya ka-duet ng daddy niya sa Greatest Hits sa Araneta Coliseum. Ang galing ng performance niya no’n.

Pero mas magaling pala siya pag solo na siyang nagso-show. Nag-concert kasi siya sa kanyang album launching with matching guest like Wency Cornejo, JM Mercado, her sister Barni and bestfriend Geneva.

Ang galing ni Rachel. Bukod sa kanyang boses, ang galing din niyang sumayaw na hindi kayang gawin ng ibang singer ngayon.

Ika-12th album na niya ito. As in ganoon na karami ang nagawa niya. Pero parang hindi nadadagdagan ang edad niya.

Daring si Rachel sa video ng carrier single ng album niya, "Keeper of My Heart." Si Xander Angeles ang kumuha ng video. Pwede actually na sexy actress si Rachel kaya lang, looks like wala sa plano niya dahil mas concentrated siya sa pagkanta.

Anyway, three years ago pa ang last album ni Rachel sa Viva, ang "Tanging Pangarap."

During the time na wala siyang album, naging busy naman siya sa theater stints na ang pinaka-notable ay ang Singapore run and award-winning musical, Rent.

Naging in demand performer din siya abroad kaya hindi rin siya gaanong napagkikita sa local music scene. Nakapag-tour na siya across US, Europe, Middle East and Asia.

Kaya naman na-miss niya ang paggawa ng album. Kaya nga may personal touch siya sa "Heart’s Desire." Siya mismo ang nag-asikaso ng production ng album kasama ang pinsan niyang si Nino Alejandro.

Anyway, zero ngayon ang lovelife ni Rachel after niyang makipag-split sa boyfriend niyang si Lee Robin Salazar na kasalukuyan na ring nasa New York kasama ang anak nito.

Minsan daw ay nag-cross ang landas nila ni Lee Robin sa NY, pero wala na siyang naramdaman although she admitted na she still cares for Lee Robin.

Hindi na-elavorate kung anong reason ng kanilang paghihiwalay.

Tungkol naman sa issue na ayaw niyang magkaroon ng pamilya, totoong ayaw daw niyang manganak dahil takot siya sa dugo. In fact at her age, never pa siyang nagpabunot ng ngipin o nag-undergo ng kahit anong operation.

"Sobrang takot ta-laga ako sa dugo kaya ayokong manganak." Pero gusto niya namang magkaroon ng asawa.

Ang the best sigurong gawin ni Rachel ay mag-asawa ng unwed father para instant agad ang anak nila like Lee Robin na nang maging boyfriend niya ay may anak na.

At any rate, available na sa lahat ng record bars ang ‘‘Heart’s Desire’’.
* * *
Ito na siguro ang pinaka-daring na talk show na mapapanood sa local television ever. Imagine: sexy actress ang host na nakasuot ng lingerie or two piece bikini habang kinakausap niya ang kanyang guests na nakababad sa bath tub or nakapantulog na habang nagkukuwento ng kanilang mga secrets, relationship and sex life.

Hosted by Juliana Palermo, malapit nang mapanood ang Secrets sa ABC 5, ang pinakabagong primetime show on local TV.

Obviously, for adults ang show ng sexy actress na mapapanood every Tuesdays and Thursdays simula sa August 17.

Adopted sa personality ni Juliana ang Secrets, liberated, na ang definition ni Juliana ay open minded, willingness to learn and her being vocal sa iba’t ibang subject matters especially sex.

Ayon sa mga producer ng show, parating may mga expert na guest like doctor or psychiatrist para mas maging malalim ang discussion.

Maraming pinagpilian bago finally nakuha si Juliana na maging host dahil sa kanyang candidness, experience sa pagbibigay ng advice bilang dating columnist ng mens magazine na FHM at ang kanyang spontaneity.

Sa kanilang first episode, maraming words si Juliana na hindi pwedeng ipalabas on air. Makakasama niya sa initial episode ang sexy actress na si Patricia Javier na maraming ibubulgar tungkol sa kanyang mga sikreto sa buhay at si Gary Lising na magdi-discuss ng mga tungkol sa sex toys.

Pag-uusapan din ang Cyber-sex at kung nakakaapekto ba ito sa sexual drive and personality ng isang tao. Guests niya sa nasabing segment sina Andrea del Rosario and Stella L kasama si Dr. Cristina Gates na magpapaliwanag ng clinical explanations kung bakit gumagamit ang iba ng Net para sa sexual gratification and other sexual purposes.

"It is really an honor to be part of this show. Ito talaga ako," sabi niya.

Pero ini-emphasize niya na hindi siya isang sex-expert na siguro raw ay iniisip ng iba lalo na nang maging sex advice columnist ng FHM.

"I think no one can say that he or she is an expert on this matter. Maybe since I am vocal about things, these are the reasons I was called an ‘expert.’"

Well, looks like exciting. Wala pang ganitong show ang ABS-CBN or GMA 7 kaya bago ito sa mga televiewers.

Anyway, parang panahon ngayon ni Juliana. Aside from Secrets, siya rin ang leading lady ni Cesar Montano sa first movie offering ng CM Productions, Panaghoy sa Suba na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Show comments