International movie ni Cesar Montano hanggang cable na lang

Tila nanganganib na hindi maipalabas for theatrical release ang The Great Raid na kung saan tampok si Cesar Montano in his first attempt to penetrate Hollywood.

The action/war movie ay produksyon ng Miramax at kinunan sa Gold Coast, Australia almost three years ago. Capt. Juan Pajota ang role ni Cesar na tumulong sa mga Amerikano para mailigtas ang mga American Prisoner of War during the WW2. Mabigat ang role dito ni Cesar at kasing-bigat din ng role ni Benjamin Bratt who fell in love with Patience or Halle Berry sa Catwoman.

Another top actor sa The Great Raid ay si James Franco, ang tinaguriang James Dean ng bagong henerasyon. His recent movie ay ang Spiderman 2.

We learned noon na kinailangang mag-shoot ng ilan pang mga eksena sa lalong ikagaganda ng pelikula. Hindi ito natuloy although umalis din si Cesar patungong Amerika at nakipag-usap sa top executives ng Miramax.

Noong huli naming nakausap si Cesar ay sinabi niyang Agosto ang playdate ng The Great Raid sa Pilipinas. It is August already at iba ang aming nasagap. Tila sa cable TV binabalak ipalabas ang maaksiyong pelikula. What went wrong kaya? Maging si Norma Japitana, ang manager ni Cesar ay hindi makumpirma kung totoo ito o hindi.

Sana ay huwag. Siguro naman eh kung ikukumpara sa Ella Enchanted, another Miramax production ay mas maganda ang The Great Raid which cost millions of dollars to complete Ella Enchanted is so ridiculous in plot na dapat ay pang-telebisyon na lang panoorin.
* * *
Ang forthcoming concert nina Nyoy Volante at Nina called El Niño, La Niña sa Music Museum will feature duets pero hindi yong endless love type songs. May kwentong napapaloob at may production numbers pa. It won’t be pure singing kundi may element of drama pang involved.

The producers of the show believes Friday the 13th will be a lucky one, contrary to what other people believe.

The show runs on August 13, 14, 20, 21, 27 at 28.

Nyoy is more than just an acoustic singer. He has successfully tried the stage before. Remy Umerez

Show comments