^

PSN Showbiz

Raket ng sikat sa EC

-
Kung di sikat ang mga paborito nating artista, ano kaya ang papasukin nilang trabaho?  Yan ang tinanong ng Extra Challenge sa limang celebrities.  At ang kanilang sagot ... siyempre binaliktad ng programa at ginawang mas challenging! Si Karen delos Reyes, dream job ang maging isang direktor.  Pero dahil sa Extra Challenge nga ang kanyang pinasok, hindi muna nagdirek si Karen.  Start siya sa ibaba ... bilang isang PA o production assistant!  Si Alma Moreno ang kanyang naging amo sa isang buong araw.  At alalay talaga ang turing ni Alma kay Karen. Pinabili niya ng almusal.  Pinag-drive papuntang GMA. Pinagbuhat ng mga gamit kasama na ang mga folding bed. Pinamasahe ang kanyang mga kasama sa set.  Halos hikain si Karen sa trabaho niyang pagpi-PA!Si Teri Onor, gustong mag-alaga ng mga maliliit na aso.  Kaya ... mga hippo, elepante at tigre ang kanyang naging alaga sa Extra Challenge!  Sa loob ng Manila Zoo, si Teri Onor ay naging zoo keeper for a day. Nagtanim siya ng damo sa loob ng kulungan ng Iguana, nagpaligo siya ng bayawak, naglinis ng kulungan ng tiger, at nagpakain ng kung anu-anong malalaking mga hayop. Isa naman sa mga pangarap ni Angel Aquino ang mag-flight attendant.  Pinagbigyan naman siya ng Extra ... yun nga lang, sa bus!  Suot-suot ang high heels at micro-mini ay nag kundoktora si Angel.  Sumigaw at akyat-baba ito sa bus para magtawag ng pasahero. Kumain siya kasama ang bus driver at buddy na kundoktor at uminom pa ng tubig Divisoria. Matapos ang isang araw ng pagbabanat ng buto, P116 lamang ang kanyang kinita.  Naiyak si Angel sa kalagayan ng mga nagtatrabaho sa bus. Si Dennis Trillo, happy na maging manager ng isang fastfood chain. Kaya ang ibinigay sa kanyang trabaho – pizza delivery boy!  Ang problema pa ... hindi siya marunong magmotor!  Nag-jeep na lang siya, naglakad, tumakbo, at kumontrata ng tricyle para mai-deliver sa tamang oras ang mga pizza. Sa sobrang taranta niya sa isang lakad, naiwan pa niya ang bayad na halos dalawang libong piso ang halaga!  Nag-singing telegram cum delivery boy pa si Dennis ... at gulat na gulat siyang makita sa pinuntahang address ang kanyang kapareha sa Mulawin na si Angel Locsin! Si Rufa Mae Quinto naman, sa kanyang unang pagkakataon sa Extra Challenge, ay nais maging singer! Hindi nga lang siya kasikatan pa, at gagawin siyang isang sidekick na miyembro ng Aegis Band.  Upang i-promote ang kanyang kanta, magco-commute si Rufa Mae patungo sa tatlong radio station.  At ang inaakala niyang concert venue ng Aegis ay sa gitna pala ng riles!  Hirap na hirap, pero natatawa rin sa challenge ang komedyanteng aktres. Ang "Raket ng Sikat" ay isa sa pinakadapat abangang serye sa Extra Challenge, ang no.1 Pinoy Reality TV program.  Mula Sabado, Agosto 7 hanggang Sabado Agosto 14 ang airing nito sa GMA-7.

AEGIS BAND

ALMA MORENO

ANGEL AQUINO

ANGEL LOCSIN

EXTRA CHALLENGE

KANYANG

SIYA

TERI ONOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with