Kung kami ang nasa pwesto ni Senador Lapid, aba ora mismo ibibigay na lang namin ang hinihingi ng aming anak. Hindi naman masasabing kalabisan ang hinihingi. Hindi naman yon luho kagaya ng sports car, o isang malaking bahay, o pansugal kaya. Ang hinihingi ay tustos sa kanyang pag-aaral. Maganda naman hindi ba?
Kailangang isipin niya na hindi nga yata maganda sa image niya yong hindi niya masustentuhan ang kanyang anak, at ang paghingi noon ng sustento ay kailangang idaan pa sa telebisyon. Baka naman mainsulto siya kung biglang may ibang taong magbigay ng scholarship sa kanyang anak.
Palagay namin hindi na dapat pang patagalin iyan, kasi problema iyan ng isang pamilya, dapat pribado iyan. Hindi iyan dapat nakakaladkad sa publiko.
Pero sa palagay namin nakabuti sa katayuan ni KC ang ginawang adoption. Bakit hindi eh ngayon, nagkaroon na sila ng parehong karapatan ng kanyang kapatid na si Frankie at ng susunod pa nilang kapatid na ipapanganak pa lang. Kung wala ang adoption, pagdating ng araw ay maaaring magkaroon ng problema dahil hindi magiging pareho ang kanilang mana, dahil hindi makakabahagi si KC sa conjugal property nina Sharon at Senador Kiko.
Isa pa, at least nabigyan naman ng karapatan si Senador Kiko kay KC, tutal ginagampanan naman niya ang role ng tatay noon talaga.
Ang isa niyang boyfriend ay tambay sa mga wateringholes at ang sabi pa, mukhang nagpapasa raw ng ecstasy sa iba pang mga istambay. Yon pa raw female boldstar ang nagbibigay ng pera sa kanyang boyfriend na tagilid ang buhay.