Tiyak na may mga magri-react sa pagdating ni Sheryl at sasabihin nilang trabahot kontrata sa Ch. 2 at Star Cinema lang pala ang makaka-engganyo sa kanyang bumalik. Matatandaang naging malaking isyu ang hindi niya pag-uwi nang mamatay ang amang si Ricky Belmonte dahil kapapanganak lang niya. Naging malaking isyu yun at kinailangang ipagtanggol siya ng tita niyang si Susan Roces.
Sayang at nasa Mulawin ng GMA-7 si Romnick Sarmenta. Maganda sanang pagsamahin sila ni Sheryl sa soap opera o pelikulat dati silang magka-loveteam. Papayag naman siguro sina Harlene Bautista (wife ni Romnick) at Norman (something, husband ni Sheryl) na magtambal ang dalawa for old times sake.
Humirit pa ito ng "Baka isampal sa akin ang talent fee ko rito." at "Sa palagay nyo matutuwa si Edu pag napanood ito?" Sabi ng dalawang host, bakit daw nasama si Edu sa usapan?
Si Alessandra de Rossi naman ang na-shock sa dagdag na dialogue nitong "Simula bata pa ako, pinagnanasahan na ako, kaya, sanay na sanay na ako." Nanlaki ang mga mata ni Alex habang nagri-react. Ha-ha-ha!
Swabe ang pag-amin ni Alicia na sila pa rin ni Edu Manzano at sa Extra Challenge pa ginawa. Baka naman after this, mag-deny pa ang dalawa.
Ang hindi natin alam, pati off cameray kwela rin si Melanie.
Gaya na lamang nang mag-guest siya sa S-Files. Bago siya isalang sa interview, hiningi nito ang list ng questions na itatanong sa kanya na agad namang ibinigay ng PA. Pero, hirap na hirap itong basahin ang nakasulat kahit nakatutok na ang kanyang mga mata sa papel na naglalaman ng mga itatanong sa kanya.
Bigla na lang itong nag-dialogue ng "Naku, di ko mabasa, di ko dala ang mirror ko!" Nagulat ang mga nakarinig at di maintindihan kung anong mirror ang binanggit nito. Bawal tumawat baka magalit si Melanie, kaya, ngumiti na lang ang mga nakarinig sa kanyang sinabi.
Good Morning Kris (ABS-CBN), 14% vs. Sis (GMA-7), 14% Gata Salvaje (Ch. 2), 19% vs. Irene (Ch. 7), 21% MTB (Ch. 2), 16% vs. Eat Bulaga (Ch. 7), 21% K Cinema (Ch. 2), 14% vs. Daisy Siyete (Ch. 7), 19% Sarah (Ch. 2), 11% vs. Ikaw Sa Puso Ko (Ch. 7), 16% Sandaras Romance (Ch. 2), 11% vs. Stage 1 (Ch. 7). 16% Mangarap Ka (Ch. 2), 16% vs. Ostar (Ch. 7), 20% Star Circle Reload (Ch. 2), 23% vs. HX Hunter ( Ch. 7) 25% TV Patrol (Ch. 2), 31% vs. 24 Oras (Ch. 7), 25% Victim (Ch. 2), 28% vs. Extra Challenge (Ch. 7), 31% Marina (Ch. 2), 38% vs. Mulawin (Ch. 7), 1st half 36% Bastat Kasama Kita (Ch. 2), 35% vs. Mulawin (Ch. 7), 2nd half 36%.
For Tuesday, Aug. 3, ratings lang ng Mulawin at mga katapat nitong show ng Ch. 2 ang na-text sa amin. Na-maintain nito ang 36%, nakakuha naman ng 37% ang Marina at 35% ang Bastat Kasama Kita.