May isang talk show na magsisimula sa ABC 5 sa ika-17 ng Agosto. Ito ang Secrets na iho-host ni Juliana Palermo tuwing Martes at Huwebes.
Ayon sa producer ng show, kinuha ang sexy star dahil sa kanyang candidness, experience in giving advice bilang dating columnist ng FHM Magazine at spontaneity.
Magugulat ang mga manonood sapagkat first time ito na makikita nila ang isang host ng isang show na nag-iinterview ng kanyang mga guests na naka-two-piece bikini, naka-damit pantulog at nasa bath tub. Mga mainit na isyu rin ang pag-uusapan pero, hindi bulgar. Magkakaganun man, ang mga salitang di dapat marinig ay ibi-bleep. Tulad nung mag-guest sina Patricia Javier na maraming ibinulgar tungkol sa kanyang sarili at si Gary Lising na nagsasalita tungkol sa mga sex toys.
Pag-uusapan din sa Secrets ang Cyber-sex, ang epekto nito sa sexual drive ng tao at personalidad. Bukod kina Andrea del Rosario at Stella L. Nag-imbita rin ng isang doktor, si Dr. Cristina Gates para sa ilang clinical explanations.
Adding spice to Secrets ay ang mga animation na ginawa for humor. Sabi ni Juliana, bukod sa mga topics, ito ang nakaka-excite sa kanya.
Maaaring pamilyar ang dalawa sa marami dahilan sa matagal na silang kilala sa hiphop culture and community at dati silang bahagi ng sikat na grupong Trilogy. Mas makikilala sila ngayong natapos na ni DJ M.O.D. ang album nilang "Focused" sa Universal Records matapos ang dalawa at kalahating taon in the making.
Kasama ng dalawa sa album ang LA based singer/producer/composer na si Shane Trace. May tatlong cuts ito sa album, ang "On Your Own", "How We Do" at "Every Little Thing". Guest din si JayR sa awiting "Throw Your Mind", Master rapper Francis M at Pikaso sa "Final Destination". Nag-perform naman si Arnee Hidalgo kasama sina Krook & J.O.L.O. sa "Holding Back The Tears".
Ang ilan pang cuts sa album ay ang "Light It Up", "Bedtime Story" at "My Main Thing".
Gaya sa TV, ang istorya ay isasalaysay rin ni Charo Santos. Samahan siya ng ilang pinaka-tanyag na voice talent na napapakinggan sa mga telenovelas ng ABS CBN.