May sikat na Pinay diva sa Italya!

Punumpuno ng drama ang buhay ni Christina de Castro, isang domestic helper turned diva sa Italy. Kahit noong kabataan, maganda sana ang takbo ng pamilya ni Christina kung hindi nawala ang kinikilala niyang ina. Dahil sa pagkamatay ng ina, kay Christina isinisi ng panganay na kapatid. Doon din nalaman ni Christina na anak siya sa ibang babae ng kanyang ama.

Doon na nagsimula ang pang-aapi kay Christina ng kanyang panganay na kapatid. Sa kabila noon, nanatili pa rin ang pagmamahal sa kanya ng ama at ilang kapatid. Doon na rin nagsimula si Christina sa kanyang journey — ang magtrabaho sa ibang bansa at hanapin ang kanyang ina na nagngangalang Maxima Blaza. Kasabay ng pag-iipon para mapagamot ang maysakit na ama.

Kumapit ang swerte kay Christina sa Italy. Dahil may angking husay sa pagkanta, hindi naging mailap ang swerte. Nakakilala ng producer at naging superstar. Isa sa kanyang album ay bumenta ng almost 400,000 units. She is now tagged as the Jennifer Lopez of Italy.

Subalit hindi pa rin masaya si Christina. Patuloy siya sa kanyang paghahanap sa kanyang ina na hindi pa rin niya nakagisnan. Hanggang ngayon, the search continues. At sa pamamagitan ng Maalaala Mo Kaya umaasa si Christina na makilala niya ang kanyang ina.

Bida si Angelika dela Cruz sa The Christina de Castro Story ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Kasama rin sa cast si Gardo Versoza, Carmi Martin, Sarjie Ruiz, Richard Quan, Kathryn Bernardo at Nanding Josef. Mula sa direksyon ni Malu Sevilla.
* * *
Ngayong gabi ang celebrity premiere at special advance screening ng Sylvia, isang pelikula na hango sa kwento ng buhay ni Sylvia Plath, isang American author at poet. Legendary si Slyvia Plath dahil sa mga nasulat niyang libro na ginagamit ng mga teacher sa pagtuturo ng poetry at literature.

Ngayon ay isa nang pelikula ang kanyang buhay. Gwyneth Paltrow plays Sylvia. Si Daniel Craig ang gumanap bilang Ted Hughes, ang college friend ni Sylvia at eventually ay naging asawa nito.

Ang Sylvia ay dinirek ni Christine Jeff, isang director from New Zealand na umani ng papuri sa 2001 Cannes International Film Festival para sa pelikula niyang Rain.

Also in the cast of Sylvia are Lucy Davenport, Amira Casar, Blythe Danner, Michael Gambon, Jared Harris at Eliza Wade.

Ang special screening at celebrity premier ng Sylvia ngayong gabi ay inaasahang dadaluhan ng mga students from University of the Philippines, Ateneo, La Salle, UST at San Beda. Gaganapin sa Cinema 1 ng SM Megamall at 7:30 pm at presented ito ng Magnavision, Magic 89.9 WTM at SM Cinema.
* * *
Balik na si Rica Peralejo sa regular work niya sa ABS-CBN, matapos ang 2 weeks suspension sa lahat ng kanyang shows. Unang bumalik si Rica sa EK Channel last Saturday. Next Sunday ay a-appear na siya sa ASAP Mania. Nag-resume na rin siya ng taping for Okey Fine, Whatever!

Kahit sa Mangarap Ka ay balik-taping na rin si Rica.

"Her comeback will make a major twist sa story," sabi ng executive producer ng show na si Sheila Lopez.

Na-miss ni Rica ang kanyang mga fans sa mga nabanggit na show. ‘Yung presence kasi niya ay tumatak na sa audience.

Halos hindi rin napahinga si Rica during the 2-week suspension. At that time, nagkaroon siya ng series of shows sa Australia kasama sina Aiai delas Alas, Roderick Paulate at Bayani Agbayani.
* * *
Birthday kamakalawa ni Ana Melissa Yambao, kaibigan ko sa ABS-CBN Star Magic (Talent Center). Walang reason para mag-celebrate si Ana dahil last July 20, her mom Lourdes Yambao passed away.

But just the same, I wish Ana all the best. Masakit pa sa kanya ang pagkawala ng kanyang ina na naging very close sa puso ko. At nawa’y bigyan pa siya ng Panginoon ng lakas ng loob na tuluyang matanggap ang mga pangyayari.

Show comments