Hero totohanin na ang panliligaw kay Sandara

Sa Sweet Circle Quest show ni John Lapus sa Klownz Araneta last week, inamin na ni Hero Angeles na handa na niyang ligawan si Sandara Park. Hiyawan ang audience sa declaration na ito ni Hero. That night, very sweet sina Sandara at Hero, ito ang napansin ng karamihan.

Mula nang magkasama sina Hero at Sandara sa Korea, kung saan kinunan ang Victim Undercover, naging bonded na ang dalawa.

Kahit daw sa set ng SCQ Reload, kapansin-pansin na may mga times na solong nag-uusap sina Sandy at Hero. Kumportable na raw ang dalawa sa isa’t isa.

Good news para sa mga Herosan (term ng fans sa kanilang loveteam) fans ito. Ito ang matagal na nilang hinihintay. Na-upset pala ang Herosan fans nang umeksena si Patrick Garcia. Feeling nila, katapusan na ng Herosan loveteam dahil mapupunta na ang dalaga kay Patrick.

Timing naman ang progress sa Hero-Sandy romance sa kwento ng SCQ Reload dahil finally ay magkikita na sila at magkakakilala. Mula nang ni-launch ang nasabing show, wala pang eksenang nagkasama sila. Tiyak aabangan ang eksenang ito ng mga Herosan fans.

At kung saan mapupunta ang panimula ng panliligaw ni Hero kay Sandara, abangan na lang natin.
* * *
Ngayong araw ang showing ng Dead People, isang pelikula tungkol sa dalawang magkaibigan, sina Paul and Grant na aksidenteng napadpad sa isang lugar na pinamumugaran ng mga patay na tao. Sa kanilang daan papunta sa lugar na dapat nilang puntahan, nakilala nina Paul at Grant sina Lisa at Kelly.

Sa Dead People, sinabi ng director nito na si Greg Page na Peter Jackson meets Blair Witch Project fusion ito. "It all makes for compelling viewing and an A-grade soundtrack lifts the action up a notch."

Maihahalintulad din ang Dead People sa mga horror movie tulad ng The Sixth Sense, The Others at The Night of the Living Dead.

"Right from the beginning, I have planned a film that can take the audience on a dark twisting ride, sabi pa ni Page na batikang director sa New Zealand.

Bida sa Dead People sina John Barker, Dwayne Cameron, Kate Elliott at Aidee Walker. Ang Megavision ang nag-distribute ng pelikula sa bansa.
* * *
Binatilyo na si Joseph Roble. Nagulat ako nang batiin ako nito sa birthday presscon ng ABS-CBN Star Magic para sa kanilang July celebrants. Dahil likas na mahusay at matalinong bata si Joseph, maraming kaganapan sa career nito ang na-witness ko. Una ay nang manalo siya ng P1M sa Game KNB? At ang pag-impersonate niya kay Joseph Estrada.

Sa acting, hindi ko malilimutan ang performance ni Joseph sa award-winning movie Magnifico bilang bestfriend ni Jiro Manio. Mainstay si Joseph ng Mangarap Ka, Detek Kids at Epol/Apol.

Marami-rami na ring pelikulang nagawa si Joseph. Kahit sa telebisyon, he has guested in almost all the drama shows of ABS-CBN.

Joseph turned 13 noong July 26. Ayon sa binatilyo, priority pa rin daw niya ang school. He is now 1st year high school a REPSCI.

Kasama rin sa nasabing birthday presscon ang iba pang ABS-CBN Star Magic artists na sina Angelene Aguilar, Mico Aytona, Rayver Cruz, Jane Oineza, Igi Boy Flores at si John Lapuz.

Show comments