"Mahirap pong pagsabayin ang dalawang bagay. Ang priority ko ngayon ay ang showbiz career, kung palalampasin ko ay baka di na maulit ang magandang opportunity. Ang iskwela ay nariyan lang at madali itong balikan kung sakali," Rachelle says.
Unlike the first champion ng Star For A Night na si Sarah Geronimo, hindi kumakayod na parang kabayo si Rachelle. Middle class ang kanyang family.
At lalong hindi siya naiinggit dahil may teleserye si Sarah sa Dos. "Parang hindi pa ho ako handa sa pag-arte. I want to become a polished singer dahil ito naman ang hilig ko. But I dont mind endorsing a product since it is not time consuming," she admits.
Busy si Rachelle promoting her debut album na kung saan may duet sila ni Christian Bautista entitled "We Wanted It All". Her winning piece "Through The Rain" is of course included. For listeners who goes for revival, "Solitaire" is a must.
A debut album, a repeat ng Night of the Champions sa Aug. 13 sa Big Dome at concert tour sa USA together with the Champions, lahat ng ito ay itinuturing ni Rachelle na advanced gifts sa kanyang kaarawan on Aug. 31.
Wish din niya ang magkaroon ng party. Afterall, she is turning 18.
May ipo-produce din siyang show featuring Krys Evangelista whom he manages. Naghahanda rin siya ng party for his b-day last July 28.
Tuloy pa rin ang show ni Krys at ang bagong venue ay ang Bodega City sa Quezon City. Kasama pa rin si Marissa Sanchez plus the singing group Kikay. Ang director ay si Eugene Asis who is also one of the closest friends of Mama Elay. Remy Umerez