"My heavy sked does not allow me to have a relationship. Pabalik-balik ako dito at sa US where I have a lot of shows. Buti na lang na-grant na ako ng immigrant status kaya wala nang problema na magpabalik-balik," sabi ng most sought after performer sa overseas circuit, touring heavily across the US, the Middle East and Asia.
Pinaka-personal ni Rachel ang "Hearts Desire" na kung saan ay tinulungan siya ng kanyang pinsan na si Niño Alejandro. Tatlo ang kanta na pinagtulungan nilang sulatin, ang "Irony", "Magic" at ang title track na "Hearts Desire". May solo rin si Niño, ang awiting "Coz I Cant Have You".
Ang lead off single ng album ay ang awitin ni Junji Arias na pinamagatang "Keeper Of My Heart". May video ito na dinirek ng potograpong si Xander Angeles. Nasa album din ang komposisyon ni Wency Cornejo na "Ikaw Pa Ba?" at ang award winning "Forever and a Day" ni Angelo Villegas.
Siya si Anne Kristel "Raine" Imperial Cabral, 19 na taong gulang at nakatakdang maging kinatawan ng bansa sa Model United Nations Far East sa Russia at Model United Nations Far West sa San Francisco, Calif. Siya ang napiling lider ng mga mag-aaral na dadalo sa napakahalagang international students congress. Kinatawan din siya ng bansa sa Harvard Project in Asian International Relations.
Isang well rounded talent si Raine singer, dancer, orator, declaimer, songwriter, producer at choral director. Mahusay din siyang cook at nagdi-disenyo ng gowns at interiors.
Kung nagtataka kayo kung bakit sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan ay nagawa pa niyang sumali sa Circle of 10, inamin nya na ang karanasan na makukuha niya rito ay magbubukas ng mas makulay na horizons para sa kanya. "Working with people with ambivalent personalities and backgrounds is a real challenge. Interacting and blending with them bring out the best in me," sabi nya.
Mula sa 55 finalists, nagawa ng dalawa na manalo at umangat sa napaka-impressive na lineup ng mga six finalists. Kung sabagay, impressive din naman ang dalawa, Junior Management Economics student si Marvin sa Ateneo at magtatapos na ng nursing si Teresa sa UERM.
Parehong 18 taong gulang ang dalawa at bagaman at hindi sila matatawag na fashionista, mas madaling mapansin ang kanilang kasimplihan at mga nakakahawang mga ngiti.
Ang Trip Kita is hosted by Dominic Ochoa.