Bituin atbp. isang tribute kay Stevie Wonder
August 2, 2004 | 12:00am
Isang kakaibang konsepto sa concert scene ang magaganap sa August 14 sa Aliw Theater sa may CCP complex. Mala-tribute sa legendary American singer-songwriter na si Stevie Wonder ang gagawin ng apat sa mga pinakamahuhusay na mang-aawit ng bansa.Magsasama-sama sina Bituin Escalante, JayR, Jimmy Bondoc at ang all-male vocals group na Akafellas sa entablado ng Aliw at tanging mga komposisyon at awitin lamang ni Stevie Wonder ang kanilang kakantahin. Ilan sa mga di malilimutang kanta ni Stevie ay ang "Overjoyed", "You are the Sunshine of My Life", "Isnt She Lovely" at "My Cherie Amour". Bibigyan ng hip hop at R&B flavor ni JayR ang mga numbers nya. Kasama ng kanyang gitara, aaliwin ni Jimmy ang mga manonood sa pamamagitan ng paggamit ng acoustic version sa mga di malilimutang kanta ni Stevie Wonder. Patutunayan muli ni Bituin kung bakit wala siyang katulad sa iba nating mga babaeng singers kung boses at boses lang ang pag-uusapan. At hindi rin pahuhuli ang mga miyembro ng Akafellas sa kanilang mga acapella numbers.Ang title ng concert ay Simply Wonderful at ito ang kauna-unahang produksyon ng E-motions Production Specialists na itinayo ng dating international flight stewardess na si Cecile Santiago-Rodgers. Sabi ni Ms Rodgers, na aminadong fan ni Stevie Wonder, " Excited ako sa first venture na ito at sa pagsasama-sama ng mga magagaling na singers sa bansa para sa kakaibang konseptong ito." At dahil gustong ma-ensure ng producer na bongga ang tunog, maglalagay siya ng 14-member back-up band, complete with a brass section. Mabibili ang mga tickets sa Simply Wonderful concert sa lahat ng SM Ticketnet outlets. Maaari ring tumawag sa 0917-5305308 para sa reservations.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended