Kung iisipin ninyo kung gaano siya kaswerte,napakalaki ng kanyang natanggap na premyo. Yong ibang mga scriptwriters sa pelikulang Pilipino, trenta mil lang ang bayad sa isang script. Mayroon ngang tumatanggap pa nang mas mababa makuha lamang ang kanilang istorya. Kaya naman madalas ang mga istorya sa pelikula natin ay binababoy.
Mayroon nga kaming kakilalang direktor, sa halagang 25 thousand payag nang maging direktor, scriptwriter, line producer, at kung minsan umaakto pang pro ng kanyang mga pelikula. Kaya yang ginawang yan ng Viva ay napakaganda. Una, nagbibigay sila ng pagkakataon sa mga baguhang mahuhusay, na kung hindi naman dadaanin sa ganyang contest eh hindi makakapasok sa showbusiness.
Hindi natin maikakaila ang katotohanan na ang mga istoryang napili ni Boss Mina noong araw ang nagpasikat kay Sharon Cuneta. Ang mga pelikulang yon ang tumalo sa mga pelikula nina Stallone at Brosnan. Tinalo rin niya pati ang Superman noon.
Eh ngayon, yong mga pelikulang nadaanan ni Spiderman nalunos na lahat.
Yang ganyang bagay ay hindi basta magagawa sa pelikula. Napakagastos niyan. Yong digital effects machine na ginagamit sa ganyang mga eksena, por ora kung bayaran at hindi magawa yan ng mga pelikula dahil dodoble ang kanilang cost of production. Ngayong pinasok na ng TV pati ang fantasy, at talagang napakaganda ng effects, hindi kagaya noong effects na ginagamit sa ibang TV shows na pangit, ano pa nga ba ang laban ng pelikula sa TV?