Pamilya Barretto, nag-away-away dahil kay Willie?
July 31, 2004 | 12:00am
Walang hindi nagsasabi nito kay Willie Revillame, simula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan hindi lamang ng magkakapatid na Barretto, sina Gretchen, Marjorie at Claudine at pati ang asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla. Kundi pati ang pamilya ng Barretto ay nasasangkot na rin sapagkat nagbigay na rin ng kanyang panig at opinyon ang matriarka ng mga Barretto at ina ng magkakapatid.
"Maski nga ako hindi ko alam ang pinagmulan ng kanilang away," ang panimula ni Willie sa launching ng kanyang bagong album sa Universal Records na pinamagatang "Ikaw Ang No. 1".
"Nagkita kami ng di sinasadya ni Vehnee Saturno sa opisina ng Universal Records at sinabi niya na may ginawa siyang kanta para sa akin. Ipinadala niya ang demo tape at nagustuhan ko naman. Ito ang, "Ikaw Ang No. 1", ginawang carrier single ng album," dagdag pa ni Willie na sa album ay hiniling na maka-duet niya si Ethel Booba sa awiting "Sabi Mo Sabi Ko (I Luv U, I Luv U 2") na sinulat naman ng novelty king na si Lito Camo.
"Sa palagay ko, pride na lamang ang namamayani sa magkakapatid. Isang tawag lang sa cellphone, kung gugustuhin nila, ay lutas na ang problema pero, hindi nila ito ginagawa. Inaasahan ko na sa pagsasalita ko ay makatulong ako para luminaw ang problema nila.
"Hindi ako naniniwala na may kinalaman ako sa pagkakagalit-galit nila. Dahil hindi naman si Gretchen ang kumuha sa akin para sa Puso o Pera kundi mismong ang nagpo-prodyus nito, ang Philippine Charity Sweepstakes Office.
"Nagkita na rin kami ni Dennis sa kampanya ni Joey Marquez. Wala kaming problemang dalawa. Nun pa man sinabi na niya sa akin na alam niya na mawawala na rin sila sa MTB nang mawala ako," sabi niya.
Samantala, ginawa nang two-disc-set ang kanyang album. Taglay ng unang disc ang original repertoire at may kasamang minus one music. Sa disc 2, nakalagay ang "Ikaw Ang No. 1".
Hindi kataka-taka kung bakit napakarami nang gustong mapabilang sa Circle of 10. Dito kasi galing ang marami sa StarStruck Survivors gaya nina Dion Ignacio, Jennylyn Mercado, Rainier Castillo, Jade Lopez, Alvin Aragon, Nadine Samonte atbp. at maraming sikat nang personalidad ngayon tulad nina Karen delos Reyes, Richard Somes to name a few.
Kasabay nito, kilala na rin ang Icon Entertainment na pinamumunuan nina Tony Co, EP, Babes Enriquez, COO at Bill Ibañez, creative director sa pagdi-discover ng mga bagong mukha para sa print, TV at image models.
Sa kanyang ika-limang taon ng paghahanap ng mga bagong mukha at talino, 41 na mga exciting young men and women ang pagpipilian ng Circle of 10 (5 lalaki, 5 babae) sa isang pageant na magaganap sa Agosto 22, 7NG sa AFP Theater.
Hosts sina Toni Gonzaga at Paolo Fabregas, performer sina JayR at Jennylyn Mercado,sa direksyon ni Ding Bolaños.
Female candidates sina Aikee Larena, Raine Cabral, Katrina Santos, Nadj Flores, Liezl Ramos, Chen Sarte, Rexy Mino, Isabel Sison, Jasyrr Garcia, Kalai Cabarroquis, Cecile Jose, Jamie Macarasig, Sam Samlani, Jelaine Santos, Ailene Sison, Vicky Prieto, Bamba Jose, Joanne Castillo, Jasmine Maierhofer at Lalaine Labis.
Sa mga lalaki, kasali sina Earl Toribio, Arjay Legaspi, Joshua Moises, Roel Berot, Crismon de Vera, Aaron Rangasajo, Nico Bana, Von Olo, Ryan Sunga, Benjie Pacia, Alex Wyman, Kenneth Maligalig, Lorenz Tumlos, Terence America, Arvi Encelan, Karlo Valerio, Jomari Tinga, Jayson Abalos, Andrei Macaisa, Elmer Sunga at Marvin Luna.
Hindi raw naman apektado ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen sa pagkakaroon ng ikatlong host ng kanilang mahigit sa dalawang taon nang hinahawakan na programa, ang Sis sa GMA7. Baka raw mag-react sila kung bawasan sila pero, dahil binigyan pa sila ng isa pang makakasama na isa rin nilang kaibigan, si Carmina Villaroel, kung kaya wala silang sey, bow na lang sila.
Unang-una, nagri-rate ang Sis. Ito ay sa kabila ng nangyaring demandahan between a host of ABS-CBN at ng network na naglalabas ng Sis na may kinalaman sa promotional publicity ng kanilang programa.
Bukod kay Carmina, regular na rin sa Sis ang Raging Divas, ang wonder dog na si Saver, ang napakalaking ahas na si Egg Pie at ang genius monkey na si Marinara.
Mapapanood ang Sis, Lunes hanggang Biyernes, simula 10:30 NU.
"Maski nga ako hindi ko alam ang pinagmulan ng kanilang away," ang panimula ni Willie sa launching ng kanyang bagong album sa Universal Records na pinamagatang "Ikaw Ang No. 1".
"Nagkita kami ng di sinasadya ni Vehnee Saturno sa opisina ng Universal Records at sinabi niya na may ginawa siyang kanta para sa akin. Ipinadala niya ang demo tape at nagustuhan ko naman. Ito ang, "Ikaw Ang No. 1", ginawang carrier single ng album," dagdag pa ni Willie na sa album ay hiniling na maka-duet niya si Ethel Booba sa awiting "Sabi Mo Sabi Ko (I Luv U, I Luv U 2") na sinulat naman ng novelty king na si Lito Camo.
"Sa palagay ko, pride na lamang ang namamayani sa magkakapatid. Isang tawag lang sa cellphone, kung gugustuhin nila, ay lutas na ang problema pero, hindi nila ito ginagawa. Inaasahan ko na sa pagsasalita ko ay makatulong ako para luminaw ang problema nila.
"Hindi ako naniniwala na may kinalaman ako sa pagkakagalit-galit nila. Dahil hindi naman si Gretchen ang kumuha sa akin para sa Puso o Pera kundi mismong ang nagpo-prodyus nito, ang Philippine Charity Sweepstakes Office.
"Nagkita na rin kami ni Dennis sa kampanya ni Joey Marquez. Wala kaming problemang dalawa. Nun pa man sinabi na niya sa akin na alam niya na mawawala na rin sila sa MTB nang mawala ako," sabi niya.
Samantala, ginawa nang two-disc-set ang kanyang album. Taglay ng unang disc ang original repertoire at may kasamang minus one music. Sa disc 2, nakalagay ang "Ikaw Ang No. 1".
Kasabay nito, kilala na rin ang Icon Entertainment na pinamumunuan nina Tony Co, EP, Babes Enriquez, COO at Bill Ibañez, creative director sa pagdi-discover ng mga bagong mukha para sa print, TV at image models.
Sa kanyang ika-limang taon ng paghahanap ng mga bagong mukha at talino, 41 na mga exciting young men and women ang pagpipilian ng Circle of 10 (5 lalaki, 5 babae) sa isang pageant na magaganap sa Agosto 22, 7NG sa AFP Theater.
Hosts sina Toni Gonzaga at Paolo Fabregas, performer sina JayR at Jennylyn Mercado,sa direksyon ni Ding Bolaños.
Female candidates sina Aikee Larena, Raine Cabral, Katrina Santos, Nadj Flores, Liezl Ramos, Chen Sarte, Rexy Mino, Isabel Sison, Jasyrr Garcia, Kalai Cabarroquis, Cecile Jose, Jamie Macarasig, Sam Samlani, Jelaine Santos, Ailene Sison, Vicky Prieto, Bamba Jose, Joanne Castillo, Jasmine Maierhofer at Lalaine Labis.
Sa mga lalaki, kasali sina Earl Toribio, Arjay Legaspi, Joshua Moises, Roel Berot, Crismon de Vera, Aaron Rangasajo, Nico Bana, Von Olo, Ryan Sunga, Benjie Pacia, Alex Wyman, Kenneth Maligalig, Lorenz Tumlos, Terence America, Arvi Encelan, Karlo Valerio, Jomari Tinga, Jayson Abalos, Andrei Macaisa, Elmer Sunga at Marvin Luna.
Unang-una, nagri-rate ang Sis. Ito ay sa kabila ng nangyaring demandahan between a host of ABS-CBN at ng network na naglalabas ng Sis na may kinalaman sa promotional publicity ng kanilang programa.
Bukod kay Carmina, regular na rin sa Sis ang Raging Divas, ang wonder dog na si Saver, ang napakalaking ahas na si Egg Pie at ang genius monkey na si Marinara.
Mapapanood ang Sis, Lunes hanggang Biyernes, simula 10:30 NU.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am