Lino Cayetano, iniwan ang GMA para sa ABS CBN

Valid ang reason ng director na si Lino Cayetano kung bakit siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Aniya, gusto niyang ma-explore ang television and film. It was ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng break sa drama. Si Lino ang nagdirek ng The Rene Cayetano Story sa Maalaala Mo Kaya. Gusto ni Lino na makilala bilang isang drama director.

Simula noon, nagsimula na ng talks between Lino and ABS-CBN. It took Star Cinema big boss Malou Santos three months para ma-convince si Lino na pumirma sa ABS-CBN at Star Cinema.

Suportado ng pamilya Cayetano ang pagpirma niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, during the contract-signing kasama ni Lino na dumating sina Sen. Pia Cayetano, Cong. Allan Peter Cayetano, Taguig Councilor Ren Ren Cayetano at inang si Mrs. Sandy Schramm Cayetano.

Bukod sa sinasabi ni Lino na malawak na opportunities, gusto rin nito na makatrabaho ang mga artista ng ABS-CBN at Star Cinema tulad nina Dolphy, Maricel Soriano, Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Piolo Pascual, Diether Ocampo at Jericho Rosales. Humanga si Lino sa husay ni John Lloyd Cruz nang gumanap ito bilang Lino sa kwento ng buhay ng kanyang ama.

Sa ginanap na contract-signing, present sina Cory V. Vidanes, Malou N. Santos at Ronnie Henares, manager ni Lino. Present din ang mga taga-drama department na sina Mel-Mendoza-del Rosario at Ginny Ocampo.
* * *
Hindi na talaga maitatanggi ang relasyon nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, Hindi man nila aminin, obviously ay sila na. Mukhang open sila sa kanilang sweetness. Marami ang nakakakita sa kanila na magkasama.

Last Wednesday, lumipad patungong Singapore sina Diet at Tin para mag-shoot ng Victim Undercover.

Dahil hindi masyadong abala, sumasama si Kristine sa shooting ng movie ni Diether with Claudine Barretto at Jericho Rosales sa Baguio City. Sumasama si Kristine sa mga gig ng bandang Blow ni Diether.

Hindi apektado si Kristine sa balitang may anak na si Diether. In fact, nagpahayag ito ng suporta kay Diether.

Kumpara sa relasyon ni Kristine kay Jericho, mukhang mas mauuwi sa maganda ang relasyon ng dalaga with Diether. Sabi nga, compatible sila.

Kung anuman ang sapitin ng relasyon nina Diether at Kristine, marami ang naghahangad na mauwi ito sa maganda.
* * *
Very proud si Jericho Rosales sa Echotiners, isang grupo ng nagmamahal sa kanila ni Kristine Hermosa. Sa ginanap ng thanksgiving party ng grupo last Sunday, dumating sina Jericho at Kristine. Humanga si Jericho sa lawak ng pag-iisip ng kanyang mga tagahanga.

Broadminded sila, sabi ni Jericho. Tanggap nila ang mga pangyayari sa personal na buhay namin ni Tin. Ang gusto lang nila, maging magkaibigan pa kami ni Tin, which is walang problema dahil okey lang talaga kami.

At higit sa lahat, nangako pa ng suporta ang Echotiners sa bawat projects nina Jericho at Kristine sino man ang maging kapareha nila.
* * *
Sa Linggo, August 1 birthday ni Manay Ethel Ramos. Siya ang isa sa mga respetadong journalist-talent manager sa entertainment industry. Isa si Manay Ethel sa nagbukas ng pinto sa akin sa mundo ng pagsusulat. Hindi ko makakalimutan ang hindi niya pagkait ng tulong noong panahong nagsisimula pa lang ako sa pagsusulat. Habambuhay kong tatanawin ang ginawang yon sa akin ni Manay Ethel.

Marami ang nagmamahal sa kanya. Hindi lang press people, pati artista at kapwa niya talent manager. Taun-taon kaabang-abang ang birthday party ni Manay Ethel.

Gusto kong batiin si Manay sa ispesyal na araw sa kanyang buhay. Dalangin ko ang lahat ng mabuti para sa kanya.

Show comments