^

PSN Showbiz

Imbitado ba si Sarah sa debut ni Rachelle Ann?

- Veronica R. Samio -
Eighteen years old na ang Search For A Star champion na si Rachelle Ann Go sa August 31. At naghahanda na ang kanyang pamilya ng isang debut na bagay sa isang kampeon na tulad niya. Pero, dahil gahul na sila sa panahon kung kaya mahirap nang makakuha ng lugar. Ang available na lamang ay ang itaas ng opisina ng Viva, sa Tektite Tower sa Ortigas Center, sa popular na kainang Via Mare.

Wala pang mga definite na plano si Rachelle Ann. Ayaw niya ng cotillion pero, gusto niya ng 18 roses, wala pa lamang siyang napipili na bubuo nito. Wala rin siyang ideya kung sino ang mga iimbitahan niya bukod sa myembro ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Wala pa rin siyang nakukuhang escort. May mga nagsa-suggest na kunin niya si Erik Santos o si Mark Bautista dahil wala naman siyang boyfriend. Okay ang dalawa sa kanya kahit pa wala naman siyang romantic involvement sa dalawang binata, good friends sila ni Erik at kuya naman na itinuturing niya si Mark.

Bagaman at iniintriga sila ni Sarah Geronimo ngayon dahil halos iisang contest lamang ang pinanggalingan nila, at lalo na nang di siya maimbita sa birthday ni Sarah sa Congo Grill, hindi apektado nito si Rachelle Ann.

"Nagkausap na kami ni Sarah tungkol dito. Sinabi niya na maski siya ay huli na nang malaman niya ang party dahil sorpresa ito sa kanya. Pero, iimbitahin ko siya sa debut ko," sabi niya.

"Itinuturing niya na isang magandang birthday gift ang paglabas ng Viva Records ng kanyang self titled debut album, isang 13 track package na nagtataglay ng mga original cuts tulad ng "When You Find Your Voice", mga komposisyon ni Vehnee Saturno na "From The Start" at "Stay In Love With You", "Kung Alam Mo Lang" ni Arthur Madrigal, "Love Won’t Let Us Be" ni Melvin Morallos. May awitin din dito si Jimmy Antiporda, ang "Here I Am" at "Give It All". May Duet din sila ni Christian Bautista sa album.

Dalawa ang carrier single ng album ni Rachelle Ann, ang pang-masang "Don’t Cry Out Loud" at "Love Of My Life".
* * *
Bigla, nalagyan ng angle na fantasy ang ma-dramang serye ng Sex Bomb sa TV na Daisy Siete. Katunayan, handang-handa nang makipaglaban sa masasamang tao ang pinaka-bagong superhero sa TV na si Super Akang na gagampanan ni Rochelle Pangilinan.

Simula sa Lunes, Agosto 2, pagkatapos ng
Eat Bulaga sa GMA7, ibang episode ang ihahatid ng mga Sex Bomb Girls sa episode nilang Super Akang kung saan may super powers si Rochelle kasama ang anim pang Sex Bomb Girls. Mala-Darna ang dating ni Rochelle at kapag nagbo-volt in sila ng mga Daisy Siete girls, iba’t ibang powers ang ipakikita nila. Bago ang costume at ginastusan ang episode na ito ng Daisy Siete. May mga special effects ding kasama at pampelikula ang dating. Si direktor Lore Reyes ang nagdirek ng episode na ito na isa rin sa 2 direktor ng Mulawin.

Pinaghahandaan na ngayon pa lamang ang unang anibersaryo ng
Daisy Siete sa Setyembre.
* * *
Kung hindi pa sa Star Olympics, di ko mapapansin si Georgia Ortega na may ilan na palang nagagawang movies. Yung Nights of Serafina lang kasi ang napanood ko.

Walang tututol kapag sinabi kong napasaya ni Georgia ang mga manonood sa kanyang paglalaro ng volleyball. Ito ay sa kabila ng pangyayaring di naman siya mahusay na manlalaro. Ang mahalaga, she took part in the celebrity sports event at nakapagpasaya ng mga manonood.
* * *
Email: [email protected]

ARTHUR MADRIGAL

CENTER

DAISY SIETE

NIYA

RACHELLE ANN

SEX BOMB GIRLS

SUPER AKANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with